^

Pang Movies

Sarah ingat na ‘di mabuntis, Maja Kapamilya na ulit katambal si Richard!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sarah ingat na âdi mabuntis, Maja Kapamilya na ulit katambal si Richard!
Sarah

Baby girl ang wish ni Sarah Lahbati na next baby nila ng mister na si Richard Gutierrez.

Kasi kung boy ulit, baka magpakalbo na siya. “Hopefully it’s a girl. And hopefully next year. But you know, joke aside, as long as they’re healthy, no problem.”

Pero ‘di raw agad-agad.

Modern mom ka ba? “I am a modern mom. Yes. I am hands-on and I work. I try to squeeze everything in and balance our schedules, ‘yun top of everything. I’m proud that I am able to do that.

Ini-spoil daw ang mga anak mo ni tita Annabelle Rama? “Nako, ang mother-in-law always spoils the two boys but it’s great. They love our kids, of course. Whenever they’re with them, pag-uwi nila napaka-hyper dahil kung anu-anong chocolate ang ipinakain. She’s very sweet and thoughtful. A bit of a spoiler.”

Samantala, inamin ni Sarah na marami siyang tinanggihang acting project. Hindi niya raw kaya ang lock-in. “Morning show is okey. Hindi pa puwede ang series kasi may lock-in nga.

“Nothing compares to be able to be there, for the kids. Kasi ang kinatatakutan ko ay lumaki sila na busy ang both parents.”

Pero handa siyang gumawa ng project na katambal ang mister.  “That would be the best case scenario, being with him in a project!,” banggit niya pagkatapos ng kanyang contract signing with Luxe Skin ni Ms. Anna Magkawas.

Samantala, kasalukuyang naka-lock-in ngayon si Richard sa Cebu para sa teleserye nila ni Maja Salvador sa Kapamilya Channel, ang Iron Heart.

Yup, isa na ulit Kapamilya ang actress na napapanood din sa TV5 at GMA 7.

Annabelle Rama, ayaw pa rin maglalalabas dahil sa COVID

“Takot ako sa COVID. Ayoko pa mamatay, day,” chika ni tita Annabelle Rama kung bakit hindi siya masyadong naglalalabas nang dumating siya sa contract signing ng daughter-in-law niyang si Sarah Lahbati noong isang araw.

May mga kaibigan ka bang namatay sa COVID? “Marami, sa Cebu, sa Manila, sa ‘min. Kaya natakot ako lalo. Number one, sa akin, sa sarili ko.”

At hindi raw basta COVID, ang lakas ng virus, pakiramdam niya ay Omicron na kahit ilang mayayaman niyang mga kaibigan ay namatay kahit maraming pera.

Hindi ka ba nagkasakit ngayong pandemic? “Hindi. Sa awa ng Diyos, hindi naman. Kumpleto ako ng vitamins ko, nine. Malakas ang immune system ko.”

Na true naman dahil ayon mismo kay tita Annabelle, breakfast, lunch and dinner siya kung kumain ng litson.

At mga balat pa ‘yun.

Pero ang isang sigurado, may bonggang birthday celebration siya sa October. Ang dami raw kasing nagbibigay ng mga regalo.

Advance happy birthday, tita Annabelle.

Quezon City, gagawin nang Film Capital ng Pilipinas

Inilunsad na ang ika-10th edition ng QCinema sa pangunguna nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Film Development Council of the Philippines chair Tirso Cruz III.

Nakatakda ang QCinema sa Nob. 17 hanggang 26.

“If we give opportunities to our talented filmmakers and build an environment where they can thrive, they can bring glory to our city and country. It started with a dream. I dream of Quezon City as the Film Capital of the Philippines,” pahayag ni Mayor Joy na isa sa talagang sumusuporta sa pelikulang Pilipino.

Nabanggit din ni Mayor Joy sa nasabing event ang ilan sa mga naiambag ng QCinema sa local movie industry.

Kabilang dito ang 105 full length movies, documentatries at short films.

Kaya naman, puwedeng-puwede na talagang maging film capital ang QC.

Ang QC ang may pinakamaraming bilang ng mga sinehan , in fact one third daw ng lahat ng mga sinehan sa Metro Manila. Ang mga ito ay matatagpuan sa iba’t ibang mga mall – Alimall, Gateway, SM North, Trinoma, Fisher Mall, Eastwood , Ayala Terraces, Cloverleaf, SM Fairview, Robinsons Galleria and Robinsons Magnolia.

Nangako naman si FDCP Chair Tirso na susuportahan ang QCinema.

Sinabi niya na ang pinamumunuan niyang ahensya ng gobyerno ay magbibigay grant sa sasaling filmmakers para sa susunod na edisyon ng QCinema ng P100,000 para sa short film at P1 milyon para sa full-length film.

Sa pagbabalik ng QCinema ay naka-line up na ang cinematic gems na nagmula sa mga kilalang film festival sa buong mundo tulad ng Cannes, Berlin, Sundance, at Venice.

Daniel at Kathryn, magkasamang papasukin ang bagong mundo

Panibagong mga pagsubok ang kakaharapin ng bagong magkasintahan na sina Eloy (Daniel Padilla) at Ali (Kathryn Bernardo) para protektahan si Lolo Hugo (Ronaldo Valdez) sa mga pinaplano ni Helena (Gloria Diaz) sa bagong yugto ng 2 Good 2 Be True. Kasabay ng pagtanggap ni Eloy bilang chairman ng Horizon Grand, nalaman din nila na posibleng si Helena ang mastermind sa paninira sa buhay ni Lolo Sir.

Alamin kung paano nila mahahanapan ng butas si Helena at mapagbayaran ang kanyang mga kasalanan.

Samantala, nagpasalamat naman ang KathNiel sa patuloy na suporta ng kanilang fans nang ipinagdiwang nila ang ika-11 anibersaryo bilang loveteam nitong Lunes (Set. 26). Patuloy na i-stream ang 2 Good 2 Be True ng advance sa Netflix Philippines o iWantTFC.

SARAH LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with