^

Pang Movies

Ruru, naging inspirasyon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ruru, naging inspirasyon
Ruru

Bongga si Ruru Madrid dahil ang kanyang adventure-serye na Lolong ay most watched Philippine television series pala ngayong 2022!

‘Di talaga ito nagpatinag dahil simula noong pilot airing nito, laging double-digit ang ratings nito gabi-gabi. Bukod pa nga sa nangunguna ito sa ratings, naging inspirasyon din ito ng mga manonood na hindi lang mga bata kundi matanda rin.

Ngayong Biyernes nga ay season finale na nito kaya siguradong nakaabang ang mga manonood dahil ayon kay Ruru ay kapa­na-panabik ang mga tagpo ngayong finale week nito.

Hindi naman kinalimutan ni Ruru ang mga kasamang bumuo ng serye kaya nagpapasalamat ito sa kanyang co-actors na nagsikap sa kanilang mga karakter gaya nina Christopher de Leon, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Jean Garcia at iba pa.

Kaya naman bilang pasasalamat din nila sa suporta ng viewers, susuklian nila ito sa season finale.

Ka Tunying, matapang magkomentaryo

Isa sa paborito kong newscaster si Anthony Taberna. Maganda siyang magsalita at matapang sa kanyang komentaryo. Kaya naman meron na siyang fan base na talagang sinusundan siya saan man siya mapuntang istasyon o network.

Kung sa ALLTV mapupunta si Anthony Taberna na kilalang-kilala bilang Ka Tunying, sure ako na magiging malakas ang laban ng AMBS sa news. Kaya naman ngayon pa lang talagang pukpukan na ang laban sa news program dahil napapansin na ang paggalaw nina Korina Sanchez, Noli de Castro at ilan pang mga tagahatid ng balita.

Sure ako, hindi lang entertaintment side ng TV ang exciting kundi pati sa news.

Bongga talaga, pati pakikinig at panonood ng mga balita may fans na rin dapat. Kaya exciting, saan kaya natin sila mapapanood lahat?

RURU MADRID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with