^

Pang Movies

Kim, pangarap maidirek ni Xian   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim, pangarap maidirek ni Xian                
KimXi

Masayang-masayang dumalo ang mag-partner in reel and real life na sina Kim Chiu and Xian Lim (KimXi) sa red-carpet premiere night ng pelikula nilang Always na ginanap last Tuesday (Sept. 27) night sa The Block, SM City.

Sobrang na-miss nga raw nila ang mga ganitong premiere night dahil matagal-tagal nga ring nawalan ng theatrical release ang mga pelikula because of the pandemic.

Na-miss din ng dalawa ang ganitong moment na magkasama silang nagpo-promote ng pelikula, pati na ang interview sa premiere night kaya naman habang iniinterbyu namin sila ay masaya nilang sinagot ang mga tanong ng entertainment press.

Sey ni Kim ay masayang-masaya sila that they get to do this again just like the old times, noong wala pang pandemic.

“It feels surreal, parang nakalutang kami ngayon,” sey ni Kim.

Anu-ano pa ang mga bagay na na-miss niya sa loveteam nila ni Xian? “Ayun, magkasama kaming nagpo-promote ng pelikula. Magkasama naman kami parati, pero masarap lang na kasama si Xian sa trabaho,” sey ni Kim.

And in the near future, gusto raw nilang magkatrabaho sila na si Xian na mismo ang direktor ng proyekto.

“Siyempre, pangarap kong madirek si Kim. In the future, sana, mangyari,” sey ni Xian.

Ayon naman kay Kim, sana nga raw ay mangyari ‘yun at tingin niya ay talagang mag-e-enjoy siya.

“Siguro, it’s gonna be fun, kasi hindi namin alam kung kailan ulit ang next project namin together after this movie na Always. And siguro, fun ‘yun kapag siya naman ang direktor ko, tapos kaming dalawa ang artista pa rin,” sey ni Kim.

Samantala, ang Always ay base sa hit Korean movie with the same title. Gina­gampanan ni Xian ang papel na dating boksingero na na-in-love sa isang dalagang bulag na ginagampanan naman ni Kim.

Mula sa direksyon ni Dado Lumibao, nagbukas na sa mga sinehan nationwide ang Always kahapon, Sept. 28.

Macbeth, may pasabog sa 20th Anniv

Tiyak na magmamarka sa larangan ng fashion, music, arts and denim ang 20th anniversary celebration ng Macbeth this year dahil sa kanilang gagawing malaking pasabog.

Sa kauna-unahang pagkakataon, the said clothing and footwear brand has come up with a concept of merging fashion and live music sa pamamagitan ng isang malaking fashion show and concert kung saan ay magkakasama ang Macbeth All-Stars and Superband plus 20 artists from mainstream and underground music.

The lineup consists of Chelsea Alley, Urbandub, Rico Blanco, Mayonnaise, Chocolate Factory, Sandwich, Hilera, Even, Snakefight, Sucketseven, Fragments, Chndtr, Fastpitch, Soapdish, Written By The Stars, Divina, Lilith, Shotgun Combo, Imbue No Kudos, Rouge, and Macbeth All-Stars and Superband.

Bilang pagdiriwang na rin sa 20th Anniversary ng kumpanya ay isasabay na rin sa show ang official launch of Lady Macbeth and Macbeth Underwear.

It is also the celebration of Macbeth turning 10 years old in the Philippines and 20 years in the world. Gates open on Oct. 8, 2022, at 11 a.m.

Sa mga gustong manood nang libre, you can visit www.macbethph.com for the mechanics.

KIM CHIU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with