^

Pang Movies

Marian, suportado sina Alden at Bea

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian, suportado sina Alden at Bea
Marian

Binati ni Marian Rivera sa kanyang Instagram story ang cast ng Start-Up PH bago pa man ang premiere ng series last Monday.

Matatandaang isa si Marian sa unang nagpaabot ng pagbati kay Bea Alonzo nang pumirma siya ng kontrata sa GMA July last year.

Eh naging leading man na ni Yan si Alden Richards sa Kapuso series niyang Carmela habang si Jeric Gonzales ay nakasama na niya sa movie.

Miguel, pinamudmod ang napanalunan

Napunta sa kapos-palad ang napanalunang premyo ni Miguel Tanfelix nang sumali sila ni Ysabel Ortega sa The Wall Philippines.

Ipinasilip ni Miguel sa kanyang Instagram ang pamimigay ng pagkain at mga gamit sa mga kapos-palad.

Binansagan si Miguel na suwerte sa game shows. Minsan na rin siyang nanalo ng kotse sa isang game show.

Pero sa mga panalo niya, sinabi ng aktor na isa lang siyang tool o instrumento para mapunta sa mas nangangailangan ang premyo niya!

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with