^

Pang Movies

Aktres, aminadong walang suwerte sa dating apps at blind dates na afam!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Gusto na raw sanang magkaroon ng bagong boylet ang aktres na ito na tuluyan nang nakipaghiwalay sa kanyang longtime partner. Ang problema lang daw ay hindi niya alam kung saan siya makakahanap.

Ayaw na raw sumubok ng mga dating app ang aktres dahil puro mga weird na lalake raw ang nakikipagkilala sa kanya. “Naku, may takot na ako sa mga dating app. Tatlong beses akong sumubok kasi okey daw sabi ng friend ko. Sa dating app kasi niya na-meet ang boyfriend niya ngayon. Kaso puro may mga saltik sa utak ‘yung nakikilala ko. ‘Yung una, manyakis. ‘Yung pangalawa, mas makapal pa ang makeup sa akin. ‘Yung pangatlo naman, nagkunwaring single, may asawa pala. Gagawin pa akong kabit ng gago!,” natatawang kuwento ng aktres.

May isang kaibigan naman daw siya na sinet up siya sa foreigners. Baka raw sa afam na mahanap ang bagong magpapaligaya sa kanya. “Hindi ako mabenta sa mga afam. Sa totoo lang, hindi nila ako type. Sa tatlong beses na blind date ko sa foreigner, hindi kami nag-click kasi iba ang gusto nila. Type nila ‘yung exotic, eh hindi naman ako gano’n. Sa isang blind date ko nga, mas na-attract pa ‘yung afam sa waitress na nakatoka sa table namin. Kaya noong nag-CR ‘yung afam, binigay ko sa waitress ‘yung number ng afam. Sabi ko, ‘Ate, mas type ka niya kesa sa akin, ito number niya, Mag-date kayo ha?’,” tawa pa ulit ng aktres.

Pinapasa-Diyos na lang daw ng aktres kung kelan siya makakakilala ng lalake na muling magpapatibok ng puso niya. Wala na raw kasing dahilan pa para balikan niya ang dating partner niya. “Ganun pala ‘di ba? Kapag tapos na, wala na talaga. Wala ka nang feelings para sa taong ito. Oo, super akong na-in love sa kanya noon at pinaglaban ko siya. Pero napapagod din pala ang puso. Bigla na lang nawala na ‘yung mga nararamdaman ko sa kanya. Kaya move on na ako. Sana rin, naka-move on na siya,” diin pa ng aktres.

Miles at Elijah, sigurado na sa isa’t isa

Nais palang mag-collaborate ng showbiz couple na sina Miles Ocampo at Elijah Canlas sa pagsulat ng show scripts in the future.

Paraan daw nila ito na mas makilala nila ang isa’t isa at makapag-share sila ng kanilang creative ideas.

“Gusto namin magsulat together. Dream namin magka-work ulit together na kung walang magbibigay sa amin, kami na lang gagawa for us,” sey ni Miles.

Sey naman ni Elijah: “We have dreams of becoming filmmakers as well outside the acting. Off cam naman. Kahit anong genre. Whatever we feel like writing.”

Para kay Miles, na isa na sa dabarkads ng Eat Bulaga, si Elijah na raw ang lalake na para sa kanya dahil sa pagiging supportive na tao nito.

“If you know na you’re with the right person, susunod naman lahat eh. Ang sarap lang sa feeling na merong taong sinusuportahan ka sa lahat ng gagawin mo and tanggap ka kahit anong mangyari. Idol ko ‘to. Kaya nung naging kami lalo akong na-pressure galingan sa mga gagawin ko kasi siyempre parang manonood siya so dapat galingan ko,” pahayag ni Miles.

Ang sagot naman ni Elijah: “She’s everything. Totoo ‘yun. Everything. I guess I don’t know. I guess just being honest and transparent and overall just apprecia­ting everything that she has and who she is.”

Maraming netizens ang pinupusuan ang mga post nina Miles at Elijah sa social media. Dasal nila na huwag padaig sa pressure ng showbiz ang dalawa at hindi sana sila maghiwalay dahil bagay na bagay sila.

MILES OCAMPO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with