^

Pang Movies

Joshua, tinutulungan si Darna  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joshua, tinutulungan si Darna               
Joshua

Mukhang mali naman ang narinig naming feedback na ang sinasabi, mahina pa rin pala ang popularidad ni Joshua Garcia, at ang sinasabi nilang dahilan ay dahil “medyo mababa ang lipad ni Darna.” Bakit, si Joshua ba ang Darna?

Ang ginagampanan ni Joshua sa nasabing serye ay isang idinagdag na character na wala sa original story ni Darna. Lumalabas ngang siya ang leading man, pero hindi mo maaaring ipabuhat sa kanya ang buong serye dahil tungkol nga iyan kay Darna. Kung hindi nga makalipad nang husto si Darna, hindi mo rin masasabing pabigat si Joshua, dahil ang totoo siya nga ang mas napapansin ng mga nanonood eh.

Heart, mas piniling ‘di muna mabuntis!

Nagulat kami sa naging kuwento ng aktres na si Heart Evangelista. Hindi kasi narinig noon na sumailalim pala siya sa IVF o in vitro fertilization sa paghahangad na magkaroon ng anak. Pagkatapos daw iyon nang siya ay makunan noong 2018.

Inamin ni Heart ang hirap, halos dalawang linggo raw siyang sinasaksakan ng fertility hormones nang ilang beses sa isang araw. Tiniis niya ang lahat ng sakit na iyon dahil sa kagustuhan lang na magkaanak. Sinabi na rin niyang umabot siya sa pagkuha sa kanya ng cells, at natiyak sa dalawang cells na kinuha sa kanya na iyon ay isang babae at isang lalaki. Mayroon siyang choice kung babae o lalaki ang gusto niyang maging anak. Mayroon din siyang choice kung gusto niyang pareho o isa lang.

Doon na itinigil ni Heart ang kuwento. Pero kung gusto na niyang magkaanak, ang susunod namang gagawin doon ay kumuha ng cells mula sa kanyang asawa, para ma-fertilize ang egg cells niya sa laboratoryo at tapos ay itatanim na iyon sa kanyang sinapupunan. Kung iisipin mo, umabot na pala sa ganoon eh, bakit hindi pa itinuloy?

Siguro nga may kinalaman din ang umiral na pandemic.

Dating male star, naglabasan ang mga hubad na litrato noon

Hindi rin maintindihan ng isang dating male star kung bakit ngayong hindi na naman siya aktibo sa show business, at semi-retired na nga siya sa iba niyang trabaho, at saka pa naglalabasan sa social media ang pictures niya noong early ‘90s kung kailan nagpa-sexy siya sa mga pelikula at pictorials. Hindi siya naniniwalang inilalabas iyon dahil lang sa mga dati niyang fans. “May ibang motibo iyan na malalaman ko rin kung ano,” sabi ng dating male star.

JOSHUA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with