^

Pang Movies

Kaya ayaw pang magkaanak! Heart, hirap ang dinanas sa in vitro...!  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kaya ayaw pang magkaanak! Heart, hirap ang dinanas sa in vitro...!               
Heart

Ibinunyag ni Heart Evangelista na sumailalim pala siya sa in vitro fertilization (IVF) dalawang taon matapos siyang makunan in 2018 kung saan ay kambal sana ang kanyang isisilang.

Sa panayam kay Heart para sa September issue ng L’Officiel Philippines, ibinahagi niya ang nasabing karanasan na inilarawan niyang “one of the toughest, challenging times of my life.”

“With IVF, they inject you with fertility hormones. It was very difficult and painful. I had three injections a day over a two-week process. After harvesting and the processes that came after, they were able to gather the perfect boy and the perfect girl,” kwento ni Heart.

Dahil sa mga hirap daw na dinaanan ng aktres sa kagustuhan niyang magkaroon ng anak, nagkaroon siya ng kuwestiyon sa sarili kung talaga bang ready na siya na maging ina.

“It made me realize, am I ready for a child? So, I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me, but I’m really at this stage in my life where (I ask myself), ‘Do I want a child because I want a child?’ or ‘Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child?,” aniya.

Ang maganda naman daw sa IVF ay walang deadline at any time ay pwedeng ituloy kaya ine-encourage rin niya ang mga kababaihan na i-pursue ang option na ito.

“Any time they decide on having a child, the embryo is there. Whether you decide immediately or five years from now, there is no deadline. Also, the process is available in the Philippines and not just abroad,” she said.

Nang tanungin kung okay ba naman ito sa kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero, ayon kay Heart, bagama’t conservative raw ito ay tina-try naman nitong maging supportive sa desisyon niya. “Chiz is a really good guy though we’re very different because he’s very conservative and I’m also a little bit more modern.

“Perhaps it’s because of our age gap. But what I like about him is he tries. He tries to be as supportive as he can be,” sey ng aktres.

Vhong seenzoned sa kaibigang hiningan ng tulong, Billy pinalakas ang loob ng komedyante

Ibinuking ni Ogie Diaz na may isang kaibigan daw si Vhong Navarro na hiningan nito ng tulong hinggil sa problemang dinadaanan ngayon pero dinedma raw siya nito.

“Seenzone lang,” pagbabagi ni Ogie.

Hindi na sinabi ng vlogger/talent manager kung sino ang nandedma na ito kay Vhong pero mukhang malapit talaga ito sa dancer/TV host/actor. “Hay naku, siyempre doon mo mate-test ‘yung mga tunay mong kaibigan sa panahong kailangang-kilangan mo sila,” pahayag pa ni Ogie.

At dahil nga mga kaibigan ang usapan, naikwento rin ni Ogie na ang nag-reach out si Billy Crawford kay Vhong at tinawagan ito bago kumpiskahin ang cell phone ng aktor nang pumasok ito sa NBI Detention Center.

Pinalakas daw ni Billy ang loob ni Vhong at malungkot na malungkot daw ito sa nangyari sa kaibigan.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with