^

Pang Movies

Sarah, nanawagan sa popsters

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

“Sarah G  is back!” ‘Yan ang simpleng caption ni Sarah Geronimo-Guidicelli sa tila isang post na ipinasilip niya sa kanyang Instagram.

Tila panawagan ito ni Sarah sa kanyang Popsters dahil sa mga hashtag na ginamit – #popstarroyalty #popstar #queenSG # #queen #sarahgeronimo #sarahg #sarah #popsters.

Walang ibang detalye na inilabas si Sarah kundi ang October 2022. Concert, movie, TV?

Abangers na lang sa dagdag na announcement si Sarah, huh!

DongYan, excited nang lumipat sa bagong mundo

Nagpahaging si Marian Rivera sa kanyang Instagram na tila malapit nang matapos ang pinatatayo nilang bahay ni Dingdong Dantes.

Dama ni Yan ang excitement sa paglipat dahil sa furniture na ilalagay sa pinatatayong bahay.

Kinuhang ambassadors ang mag-asawa ng sikat na brand ng furniture kaya saktong ang gamit na ilalagay sa bagong bahay.

Sa pictures nina Dong at Yan sa IG ng huli, sweet na sweet ang mag-asawa at sa caption ni Yan, nakalagay ang “@furnitaliaph pieces getting me excited to move in soon.”

O ‘di ba, lilipat na nga ang mag-asawa? Sa Silang, Cavite ba ang bagong mundo ng mga Dantes?

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with