^

Pang Movies

Karen nagalit, umapela! donasyon sa lolang street sweeper, nilimas ng scammer

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Karen nagalit, umapela! donasyon sa lolang street sweeper, nilimas ng scammer
Karen

Marami ang nagalit sa driver ng SUV na nakabundol sa street sweeper sa Parañaque. Pero si Karen Davila, hindi lang nagalit, umapela rin siya na tulungan ang street sweeper na si Lola Doreen. Karen also shared the CCTV footage sa kanyang social media accounts.

Nanawagan si Karen sa followers niya na tulungan ni Lola Doreen na ang update ay nasa critical condition pa rin at naka-confine sa Philippine General Hospital.

Hopefully, tinawagan din ni Karen ng pansin ang nang-scam sa donation para kay Lola Doreen, walang budhi ang naglimas ng donation para kay Lola Doreen.

Tirso, bihasa pa sa Spanish

Wala si Tirso Cruz III sa mediacon ng Maria Clara at Ibarra, hindi tuloy nalaman kung paano niya pinaghandaan ang role ni Padre Damaso na kanyang ginagampanan sa nasabing historical portal fantasy ng GMA 7.

Pero nagpaabot ng mensahe si Pip sa press people at sa unang parte ng mensahe, Spanish ang ginamit niyang salita. Later on, nag-switch siya sa English dahil baka raw maubos ang kanyang Spanish.

Sa Instagram, pinost ni Pip ang photo niya bilang si Padre Damaso at sabi ng caption, “This is my look in the new teleserye I’m part of. The title is MARIA CLARA AT IBARRA on GMA7. It starts on Oct. 3. I will be playing the role of PADRE DAMASO.”

Si Pip ang kasalukuyang chair ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Pokwang, ipinasilip ang summer house

Ipinasilip ni Pokwang sa followers niya sa Instagram ang ipinapatayong tinawag niyang summer house sa Camaya Coast sa Mariveles, Bataan. Mala­king parte na ng bahay ang tapos at tantiya namin, baka this year, tapos na ito.

Maganda ang bahay at malaki dahil may second floor pa at ang maganda pa, may mga puno ng kahoy na nakapalibot sa property. Ang gandang gumising na puno ng kahoy ang nasa paligid. Inaayos na rin ang landscaping sa harap ng bahay ni Pokwang.

 Wala na ang pangalan ni Lee O’Brian sa mga binanggit ni Pokwang dahil hiwalay na sila.

Siguro naman, welcome pa rin sa kanyang summer house ang ex-partner.

Macky, nag-follow na ulit kay Sunshine

Ang tatalas talaga ng mga mata o talagang nakabantay lang sa bawat galaw nina Sunshine Cruz at Macky Mathay dahil nalaman agad na naka-follow na uli si Macky kay Sunshine sa Instagram nito.

Never dinelete ni Macky ang photos nila ni Sunshine kahit nabalitang break na sila. Makikita pa rin sa IG ni Macky ang photos sa debut ng anak nina Sunshine at Cesar Montano na si Sam Cruz na kung saan, tinawag pa ni Macky si Sam na “Sammy daughter.”

Sa caption naman ni Macky sa isang photo nila ni Sunshine, nag-I love you-han pa sila at nagpahayag ng pagka-miss sa isa’t isa. Sa lahat yata ng post ni Macky na kasama si Sunshine, may kasunod lagi na “I love you.” Ang Digital Profile o DP ni Macky ay photo pa rin nila ni Sunshine ang nakalagay.

Anyway, aabangan natin ang exciting part sa love story nina Sunshine at Macky.

KAREN DAVILA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with