^

Pang Movies

Nadine galit, naiyak sa driver na sumagasa sa street sweeper   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nadine galit, naiyak sa driver na sumagasa sa street sweeper                      
Nadine

Tulad ng iba pang netizens and celebrities, galit na galit din si Nadine Lustre nang mapanood ang video ng isang lolang nasagasaan at basta iniwan na lang ng driver.

Kumalat nga nitong Sunday sa social ang CCTV footage kung saan makikita ang pagsagasa sa street sweeper na si Doreen Bacus, 63 anyos, at residente ng Masville, Barangay Sucat.

Nangyari ang insidente last Saturday sa Para­ñaque City. Sa naturang video, makikita si Lola Doreen na nakatalikod sa gilid ng kanto at nagwawalis.

Maya-maya ay biglang may  dumating na rumaragasang sasakyan at nabundol nga si lola at pagkatapos ay nagulungan pa. Pero makikitang hindi man lang huminto ang nakasagasa at hinayaan na lang ang lola sa kalsada.

Mabuti na lang at may nakapagsugod sa lola sa hospital and is now fighting for her life.

Sunod-sunod ang post ni Nadine sa kanyang Twitter at awang-awa sa sinapit ng matandang babae.

“Our justice system is so flawed we don’t even know if this issue will be handled accordingly. Naiiyak talaga ako para kay lola at sa pamilya niya,” ang tweet ni Nadine.

Isa pa niyang tweet, “Not buying the whole “unaware” bs. Mararamdaman mo naman siguro kung may nabangga ka.”

Base sa latest update  ay nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver na nakasakagasa sa lola habang ang biktima naman ay kasalukuyan pa ring nasa kritikal na kundisyon.

Yassi, nagka-career sa Diary ng Panget

Ibinahagi ni Yassi Pressman ang mga hirap na pinagdaaanan niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa Toni Talks vlog nito, ikinuwento ni Yassi na hindi naging ganu’n kadali para sa kanya ang ma-penetrate ang showbiz at katakot-takot na rejection muna ang kanyang pinagdaanan.

Aniya ay nagsimula siya sa pa-extra-extra at dumating sa puntong muntik na siyang mag-quit dahil feeling niya ay hindi para sa kanya ang showbiz world.

She was the breadwinner of the family pero hindi raw talaga sapat ang kinikita niya that time na napakaliit lang. She revealed na P1,500 lang ang bayad sa kanya for 3 days work at abonado pa siya dahil kasama na do’n ang food, gas, damit. May tax pa raw at siyempre, commission ng manager.

“So, wala kang pambayad ng make-up artist, hair spray, lahat,” aniya.

“So, sabi ko talaga, ate, ‘isang araw, pupunta ako sa Starbucks at ‘di nila tatanungin kung ano ang pangalan ko.’ ‘Yun talaga.

“Sabi ko, ‘one day, kahit isang tao lang, isang tao, pagdating ko do’n, ‘yung gusto ko makukuha ko tapos ‘di nila tatanungin sa akin ang name ko,’” lahad ni Yassi.

Ibinahagi niya rin na ang pinaka-proud moment niya nung nagsisimula siya ay nang mag-extra siya sa commercial nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

“Grabe, sobrang saya-saya ko no’n, 40 ang extra nila, isa ko do’n at ‘yung ang proudest moment ko. Sabi ko, ‘yes, nando’n ako sa likod!’ kwento niya.

Hanggang sa dumating ang biggest break nang sinabihan siya ng Viva Films na kasama siya sa pelikulang Ang Diary ng Panget with Nadine Lustre and James Reid.

Doon na nagtuloy-tuloy ang pagsikat ni Yassi. Nagsunod-sunod na ang projects niya and for sure, ngayon ay hindi na tatanungin sa Starbucks kung ano ang name niya.

NADINE LUSTRE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with