^

Pang Movies

Basketball games, kinansela rin ng Karding!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

KINANSELA ang scheduled mall show sa San Pedro, Laguna last Sunday dahil sa bagyong si Karding.

Bukod dito kanselado rin ang NCAA at PBA games noong Linggo.

Eh kahit naligtas ang ilang bahagi ng Metro Manila sa hagupit ni Karding, may mga probinsiya pa ring sinalanta ng bagyo.

Isa ang GMA Kapuso Foundation ang agad umaksiyon sa pagpapadala ng mga kailangan ng mga naapektuhan ng bagyo.

Samantala, sa love telecast ng UH, present ang cast ng bagong GMA afternoon prime na Nakarehas na Puso upang sumagot sa telepono ng mga tumatawag at nagsasabi ng updates sa kanilang probinsiya.

Kokoy at Angel, may ligawan na!

Malaki ang tsansang maging totohanan na ang nabuong loveteam kina Kokoy de Santos at Angel Guardian dahil sa Running Man Philippines.

Sa episode ng RMPH last Sunday, sina Angel at Kokoy ang nagwaging best loveteam sa mission nilang wedding race, huh!

May matching wedding proposal pa si Kokoy kay Angel at kiyemeng ikinasal pa, huh!

Sina Kokoy at Angel na ang tinuksu-tukso habang tini-tape ang reality show sa South Korea. Siyempre, in denial pa ang dalawa!

Eh mukhang matatagalan pa ang telecast ng Running Man PH and for sure, kahit nandito na sila sa bansa eh tuloy pa rin ang romansahan nila not as a friend na na but as lovers na, huh!

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with