^

Pang Movies

Matapos ang break-up Sunshine priority na ang mga anak!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Matapos ang break-up Sunshine priority na ang mga anak!             

Mukha ngang totohanan nang natapos ang relasyon nina Sunshine Cruz at Macky Mathay, dahil sa kasagsagan ng bagyong Karding kahapon, may mga Marites na nagsabing nag-unfollow na rin si Macky sa social media account ni Sunshine.

Isipin ninyo ha, habang nagkakagulo dahil nagbaba ng signal number 4 sa Metro Manila, nagawa pang magkalkal ng mga Marites ng social media account ng ibang tao magka-tsismis lang.

Nauna ngang nag-unfollow si Sunshine sa account ni Macky sabay post na noon daw mag-lockdown siya ng 35 days, maraming mga katotohanang nabuksan sa kanyang isipan, at kailangan niyang harapin ang lahat ng mga katotohanang iyon. Wala namang sinabi si Sunshine kung ano iyon, pero dahil sa pag-unfollow niya sa account ni Macky at ilan pang sinasabi ngang kapuna-punang pangyayari kabilang na ang hindi pagdalo noon sa birthday ng anak ni Sunshine na si Angelina, nahulaan nila na iyon na nga ang katotohanang sinasabi ni Sunshine sa post niya.

Bagama’t marami ang nanghihinayang sa kanilang relasyon na tumagal din ng limang taon, naniniwala rin naman sila na napag-isipan nang husto at tama ang desisyon ni Sunshine. Tiyak iyon mas makabubuti sa kanyang pamilya, sabi pa nila.

Sinasabi naman iyon ni Sunshine, sa kanya ay priority pa rin ang kanyang pamilya, ang kanyang mga anak. Kaya kung ano ang magiging pinaka mabuti para sa kanila, iyon muna ang kanyang inuuna. Priority rin ni Sunshine ang kanyang career, na sinasabi nga niyang siyang pinagkunan niya ng lahat ng pangangailangan nila, lalo na ng kanyang mga anak simula nang humiwalay siya sa dating asawang si Cesar Montano.

Dating child star na si Serena Dalrymple, ikakasal na

Ang bilis nga naman talaga ng panahon. Isipin ninyo, iyong maliit na bata noong si Serena ­Dalrymple, na noong isang gabi lamang ay napanood pa namin sa telebisyon kung saan childstar pa lamang siya sa isang pelikula, ikakasal na pala sa susunod na linggo.

Hindi naman daw biglaan iyon, dahil nakilala niya ang kanyang boyfriend four years ago sa pamamagitan ng isang ­dating app. Magkasama na rin sila sa isang tahanan na nabili nila sa New Hampshire ng kanyang boyfriend na kinilalang si Thomas Bredillett.

Nagkasundo silang magpakasal na noong nakaraang taon, at next week nga raw matutuloy iyon.

Parang ang bilis lang ng panahon.

Nagta-trabaho rin ngayon si Serena bilang program developer para sa isang IT company sa US at matagal na siyang wala sa show business.

Bold star, bakla ang nilandi

Nagwala ang isang sexy female star nang makai­nom at malasing sa isang high end watering hole.

Nagulat ang ibang mga tao sa nasabing watering hole nang mag-alis ng kanyang damit ang female star at nagsimulang sumayaw sa harapan ng DJ’s booth ng watering hole.

Ang tsismis, mukhang “nagpapa-effect” daw ang female bold star sa poging DJ’s pero mukhang mali siya ng kanyang target.

May nagbulong naman sa amin na ang poging DJ ay mayroon pala ng boyfriend. Ibig sabihin pink din ang kanyang underwear na suot.

SUNSHINE CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with