^

Pang Movies

Julia pinatunayang ‘di buntis, may gagawing topak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hindi nga buntis si Julia Montes dahil may gagawin itong action movie kasama si Cong. Arjo Atayde at ang title ng kanilang movie ay Topak. Kung buntis si Julia, hindi nito tatanggapin ang project dahil hindi naman siguro nakaupo lang ang kanyang mga eksena.

Nagkaroon ng hair make over si Julia, may bangs siya at bumagay sa kanya. Saka, may fitness session siya at may coach, ibig sabihin, hindi pucho-pucho ang kanyang fitness session na paghahanda para sa shooting ng Topak.

In fairness, maraming naniwalang buntis si Julia lalo na nang maglabasan ang mga larawan sa party ng Ang Probinsyano  na nakatagilid ang mga pose niya. Sabi ng netizens, itinatago raw nito ang tiyan, ‘yun naman pala walang kailangang itago dahil hindi siya buntis.

Erika naka-move on na agad kay Kobe?!

Pagalingan sa pagwalis o pagbura ng memories nila sina Kobe Paras at Erika Poturnak na break na rin pala. In-unfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram at si Kobe nga, dinelete ang lahat ng kanyang post sa IG. Blangko ang IG nito at may nakasulat na “No posts yet.”

Deleted na rin sa IG ni Erika ang photos nila ni Kobe at pati nga ang comment ni Kobe sa mga post ni Erika, deleted na rin. Mukha ngang mabilis nakapag-move on si Erika dahil ang latest video post nito sa IG, pakanta-kanta ito at nasa Amerika yata.

Ang husay kumanta ni Erika, napa-comment tuloy ang mom nitong si Ina Raymundo ng “Nice one ate @erikarae.p” Puro rin “awesome” ang nabasa naming comments sa video ni Erika na totoo naman.

Siguradong lahat tayo gustong malaman kung bakit nag-break sina Kobe at Erika, pero parang walang magsasalita sa kanila. Medyo mabilis lang ang kanilang relasyon, parang kailan lang, sweet sila tapos ngayon, in-unfollow na ang isa’t isa.

Pinost ni Carmina Villarroel ang eksena nila ni Ariel Villasanta sa GMA Afternoon Prime na Abot Kamay na Pangarap  at kahit seryoso ang eksena, hindi napigilan ni Carmina ang matawa. Naka-ilang takes ang aktres bago naging good ang eksena dahil nakakatawa naman talaga.

Pati nga si Zoren Legaspi na napanood lang ang eksena, natawa rin. Ang netizens na nakipanood lang ng video, natawa rin at pinansin ang pagiging bungisngis ni Carmina.

Positive ang comments ng netizens sa Abot Kamay na Pangarap  na tungkol sa pagiging genius ng karakter na ginagampanan ni Jillian Ward. 

JULIA MONTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with