^

Pang Movies

Kris at mga kasama, ‘di pa sigurado kung sa L.A. o New York lilipat!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kris at mga kasama, âdi pa sigurado kung sa L.A. o New York lilipat!

Ayon sa narinig kong kuwento, hindi pa raw nag-uumpisang mag-chemo si Kris Aquino sa Amerika.

Inaayos pa raw nito ang paglipat from Houston, pero ‘di pa raw sure kung sa Los Angeles o New York ito maglalagi habang nagpapagamot pa rin.

Pero most probably raw ay sa New York dahil andun ang isa sa mga doctor nito.

Sa hotel lang pala sa Houston naka-check in sila Kris kasama ang kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby, mga nurse at assistant.

Nauna na ngang nabanggit ni Kris sa kanyang post na “i am grateful to be blessed to have the means for us to move to another state, and have more tests done & go to other specialists; and finally start my immunosuppressant therapy. i was warned that the safest form of chemotherapy (i don’t have cancer) that can be used for my autoimmune conditions will make me lose my hair. Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity.”

At ayon pa sa narinig kong kuwento, maa­yos ang kalagayan ni Kris at medyo nadagdagan ng konting-konting timbang.

Pero wala raw sa Amerika ang sinasabing manliligaw nito na negos­yante at talaga raw guwapo.

Separated daw ang guy at dating supporter ng namayapang kapatid ni Kris na si former president Noynoy Aquino.

Sen. JV, kilala na ang nagkalat ng fake news na nakabuntis siya!

Mabilis na naglaho ang intrigang may nabuntis na executive assistant si Senator JV Ejercito.

“Kasi hindi totoo. May COS has been with me since 2013,” aniya sa isang Viber chikahan the other day.

Actually bungad niya ay “hindi totoo ‘yung chismis sa akin ha!

“Nagkataon sigu­ro pareho kami pumayat kaya na-chismis na!,” dagdag ng isa sa pinakamabait na senador.

Sino sa palagay niya ang nagkalat nito na parang sure na sure na nakabuntis siya at may ilan pang picture na pinakalat?

“Isang blogger na mercenary ang gumawa ng istorya,” na binanggit niya ang pangalan.

Pero mas lalo siyang nagduda dahil may kumausap sa kanya na pumayag daw na tanggalin nito sa TikTok ang malisyosong isyu pero nagsabi raw na kailangan ng tulong.

Ngayon natatawa na lang siya tungkol dahil alam niya ang totoo.

Pero bakit nga ba pumayat siya?

“I bike everyday and intermittent fasting,” sagot ni Senator JV.

“I lost 30 pounds,” dagdag niyang kuwento sa Viber.

“Kaya pinagdudahan na!,”

Almost everyday ang fasting niya, at Sunday ang cheat day at rest, kuwento pa ng senador na nagmukhang bumata nga nung pumayat.

Last Thursday and Friday ay nag-Antipolo raw siya. “But I also bike to work,” aniya pa.

“Laps muna sa MOA (Mall of Asia) then go straight to the Senate na,” kuwento pa ni Senator JV na dalawang beses nagkaroon ng COVID.

Less than 200 lbs na siya ngayon, ang original weight niya ay 240 lbs.

“Kaya napagdudahan! Hahaha,” biro pa ulit niya.

Samantala, isa si Senator JV sa mga excited sa reunion concert ng Eraserheads na ang isa sa mga producer ay si Alden Richards.

“I am so excited!!! Eraserheads still rules!!!,” aniya sa isang tweet.

Pia, mala-manyika ang birthday pictorial

Inunahan na ni Pia Wurtzbach ang showing ng Barbie movie sa 2023.

Ang bongga ng Barbie pictorial niya for her 33rd birthday na uploaded sa social media accounts ng da­ting beauty queen.

In all fairness, na-justify ni Pia si Barbie at lumabas ang kaseksihan niya, basta ‘wag siyang tatawa.

Aniya sa isang caption “When I grow up, I wanna be…”

Anyway, nagulantang pala ang bida ng Barbie movie na si Margot Robbie sa kumalat na photos nila ni Ryan Gosling sa shooting ng Barbie na naka-spandex costume.

Ayon sa lumabas na article sa variety.com, kuha raw ang photos ng maraming paparazzi sa Los Angeles.

Sa July 2023 mapanood sa mga sinehan ang Barbie movie.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with