^

Pang Movies

Bong at Lani, pinatunayan ang true love

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Siguro patunay ang true love sa pagsasama nina Bong Revilla at Lani Mercado. Kasi nga sa rami ng naging pagsubok at mga problema, hanggang ngayon magkasama at nagmamahalan pa rin sila. Love siguro ang naging mahigpit na binding sa tali nilang mag-asawa.

Sa buhay naman talaga ng tao maraming tukso ang papasok, maraming pagsubok ang darating, pero basta nandu’n ang love kaya mong labanan ang lahat.

May mga apo na sila Bong, hanggang ngayon matibay pa rin ang pagsasama nila. Kaya naman alam mo na imposible pa na masira ang samahang binuo ng pagmamahal, patunay ang Bong at Lani marriage.

Basta hanggang wakas, si Lani Mercado ang legal wife ni Bong Revilla, wala nang iba.

Daisy Reyes, ‘di nakalimot

Gusto kong mag-thank you kay Daisy Reyes Tobias na alaga ko noon.

Kahit wala na sa showbiz si Daisy dahil nag-asawa na siya, naalala pa rin niya akong padalhan ng essential oils para sa massage at inilalagay sa vital points para mawala ang hilo at masamang pakiramdam.

Ok ang Dr. Essentials na talagang nakatulog ako nang ipahid ni Celia sa likod ko. Talagang effective siya. Napakabait ni Daisy dahil talagang naalala pa niya ako kahit private na ang life niya ngayon.

Thank you, Daisy, kaya mahal kita kahit sandali lang ang pagtrabaho mo sa showbiz. Mas maligaya ako na tahimik ang buhay mo ngayon at maligaya ka. So sweet of you to remember, talagang sincere ka. Continue praying for your happiness dahil deserving kang maging happy. Thank you and missing you so much.

BONG REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with