^

Pang Movies

Piolo, natuwa na wala nang network war   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Piolo, natuwa na wala nang network war            
Nora at Piolo

Ikinatuwa ni Piolo Pascual na nag-e-evolve na ang TV industry at medyo nawawala na ang network war. Ngayon nga kasi ay may mga collaboration nang nagaganap between ABS-CBN and other network.

Sino nga ba ang mag-aakala na darating ang time na magkakaroon ng collaboration between ABS-CBN and GMA 7?

“The playing field has become bigger,” masa­yang wika ni Piolo nang makatsikahan namin sa mediacon niya for Beautederm.

Willing ba siya na gumawa ng collab project with GMA 7?

“Of course! I mean, to support and to help and to just be a part of the evolution of our industry. You know, I’m here to stay and should there’ll be ano­ther chance to do another show na kahit sino pang mag-produce, of course, I’d gladly oblige especially with ABS-CBN,” he said.

Pero kahit na gagawa siya sa GMA 7 or other network, mananatiling ang home network pa rin daw niya ay ang ABS-CBN.

“Hindi ko iiwanan ‘yun,” aniya.

Maraming aktres at aktor na gusto siyang makatrabaho. Siya ba ay may gusto pa ring makasama sa dinami-rami na ng artistang nakatrabaho na niya?

“Marami po. Si Ate Guy (Superstar Nora Aunor) nga hindi ko pa nakakatrabaho, eh. And also Janine Gutierrez, I haven’t worked with her. It was a blessing that I got to work with Lovi Poe na napakagaling.

“And then, I was talking to Bea (Alonzo), I hope we get to do something again. And even with Jericho (Rosales). I mean, you know my peers in the industry. Even with Anne Curtis. Napakaliit ng industriya, sana maka-partner ko sila. Even with Maja (Salvador), ‘yung mga ganun, na magagaling talaga,” he said.

Gladys, wish makadaldalan sina Manny at Jinkee

Isa si Gladys Reyes sa mga pioneer ng Net 25. Imagine, 16 years na pala ang talk show niya sa network na Moments at talaga namang thankful siya sa suporta at pagtitiwala sa kanya ng mga bossing ng istasyon.

Forever nga raw siyang magiging grateful sa Net 25 na nagbigay sa kanya ng pagkakataon para maipakita na pwede rin siyang maging TV host.

“Very first na nagbigay po sa akin na pagkakataon para maipakita ‘yung totoong ako, na ang daldal ko pala, na pwede naman din akong mag-host, hindi naman ‘yung laging nananampal lang, nananabunot, nananakit,” natatawa niyang sabi sa grand mediacon ng Net25 last Wednesday.

Sa loob ng 16 years ay marami na rin siyang nai-guest na celebrities at nagpapasalamat nga siya na kahit nakakontrata sa ibang network ang iba ay talagang pinapaunlakan siya.

“Si Dingdong Dantes, nag-guest na sa akin, si ate Regs Regine Velasquez, nakakatuwa nga po, eh. Ako ‘yun magte-text sa kanila, lakasan lang ng loob ‘yan, eh,” sey niya sabay-tawa.

“So, nakakatuwa naman po kasi napakadali nilang kausap at ang sarap po na ‘yun nga, mapagbibigyan ka.”

In the future, marami pa raw siyang gusto mai-guest sa show at isa na rito ang mag-asawang Manny & Jinkee Pacquiao.

Sa bagong season ay siniguro ng Moments na may bago silang inihahandang sorpresa na tatatak sa puso ng bawat pamilya. Abangan ang Chikat or Chikahan with Sikat, Moments Ko ‘To kung saan ay itsa-challenge ng guest si Gladys, at ang Kusina Moments na magbibigay ng kitchen hacks.

Napapanood ang Moments tuwing Linggo, 4 p.m. sa Net 25.

PIOLO PASCUAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with