^

Pang Movies

Sunshine at Macky, hiwalay na!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine at Macky, hiwalay na!         
Macky at Sunshine

May tsismis, mukhang nag-split na raw sina Sunshine Cruz at ang boyfriend niya nang mahigit na limang taon na, si Macky Mathay. Lumabas ang tsismis nang i-unfollow ni Sunshine si Macky sa kanyang social media account. Inalis na rin niya sa kanyang account ang pictures ni Macky.

Kapansin-pansin din na wala si Macky sa birthday celebration ng anak ni Sunshine at Cesar Montano na si Angelina.

Normal namang naroroon si Macky sa mga family affair kahit na sabihing naroroon ang dating asawa ni Sunshine na si Cesar Montano, dahil annulled na naman ang kasal nilang dalawa, at may live-in partner na si Cesar ng ilang taon na rin naman. In fact nakatatlong anak na rin iyon sa partner niya.

Bumuhos din ang messages ng mga kaibigan na nakikisimpatiya kay Sunshine, at messages naman ng panghihinayang mula sa fans.

Pero sabi nga namin, tsismis pa lang iyan. Wala pa naman silang official statement na wala na nga silang dalawa.

Donita, ‘di nagbigay ng detalye sa kasal

Hindi naman nakakagulat iyong nabalitang nag-asawang muli si Donita Rose, kasi noon pa naman nabalita na in love na siyang muli at inaamin naman niya iyon. Ilang taon ang nakaraan, nagdesisyon siyang pumunta na sa US, kasama ang kanyang anak matapos na magkahiwalay sila ng kanyang dating asawang si Eric Villarama.

Matapos namang manirahan sa US, nagtrabaho si Donita bilang chef sa isang food chain. Tapos nga siguro dahil na rin sa isa siyang Christian kaya nakilala naman niya sa kanilang church ang US-based na gospel singer na si Felson Palad na siya niyang napangasawa ngayon. Binata naman si Felson.

Wala siyang ibinigay na detalye, at wala ring nakitang ibang pictures maliban sa kanila ni Felson. Ni walang picture ang seremonya ng kanilang kasal.

Ang kasalan ay ginanap sa isang private estate sa San Clemente California. Isa iyong formal wedding.

Dating aktres na si Susan Henson, na-cremate na

Ang dating aktres na si Susan Henson, na noong kanyang panahon ay sinasabing isa sa pinakamaganda, ay namatay na noong nakaraang Miyerkules, Sept. 21, sa edad na 64 years old.

Nakatanggap kami ng update, na ang kanyang cremated remains ay maaaring makita ng mga kaibigan niya sa Miyerkules Sept. 28.

Magkakaroon ng misa ng alas diyes ng umaga, at kasunod noon ang paglalagak ng kanyang mga labi sa columbarium sa Nativity of the Lord Parish sa Ermin Garcia sa Quezon City. Ipinapanalangin namin ang kanyang kaluluwa.

SUNSHINE CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with