^

Pang Movies

Alex, napansing dinala sa Milan ang pagiging baryotik!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alex, napansing dinala sa Milan ang pagiging baryotik!
Alex

Ang daming mood killer sa netizens, ayaw nilang mag-enjoy si Alex Gonzaga sa pagrampa nito sa Milan Fashion Week. Kita naman nila sa photos at video na pinost nito that she’s having fun, negative pa rin ang nakita ng iba.

May nag-comment na “Bakit parang awkward panuorin walang ka class class si Alex. Walang ka poise poise. Dinala nya pagka baryotik sa  Milan. Mukhang nagkamali si doktora.”

Inaway tuloy si Kuya na nag-comment. Tama naman ang sumagot sa kanya na kung ayaw niya, ‘wag siyang manood. May nagpaalala rin kay Kuya na komed­yante si Alex at para sa vlog content ang ginagawa. May nagsabi ring sinasadya ni Alex ang magpatawa, kaya ‘wag seryosohin.

Mas marami nga lang ang natuwa at naaliw sa mga post ni Alex at biniro siyang kakabugin si Heart Evangelista na dumalo rin sa Milan Fashion Week. Ang doktora palang binanggit ng netizen ay si Dr. Vicki Belo na nagsama kay Alex sa Milan Fashion Week, kaya nagpasalamat sa kanya si Alex.

Ang sister ni Alex na si Toni Gonzaga, ang magagandang outfit ni Alex ang pinuri at ang forever basher niyang si Luis Manzano, ang comment, “Pwede naman siguro i-blur mukha mo di ba?”

Anyway, anuman ang sabihin ng bashers ni Alex, hindi pa rin maikakailang siya ay nakarating ng Italy at nakarampa sa Milan Fashion Week. Tayo, hanggang comment lang sa social media.

Ruffa, napa-react sa hiwalayan nina Sunshine at Macky

Mababasa ang comment ni Ruffa Gutierrez na “Sending you hugs, Shine. Hope you’re doing okay now,” after mabalitang hiwalay na sina Sunshine Cruz at Macky Mathay. Sabi naman ng pinsan ni Sunshine na si Donna Cruz, “Beautiful! God will work things together for our good Shine! Love and miss you!”

Hindi naging maingay ang breakup nina Sunshine at Macky, in-unfollow na lang nila ang isa’t isa sa Instagram at dinelete ni Sunshine ang photos ni Macky sa kanyang IG. Si Macky, hindi pa rin dine-delete ang photos nila ni Sunshine. Kanya-kanyang opinion ang tao sa breakup ng dalawa.

Pinupuri si Sunshine ng kanyang followers dahil napaka-positive raw ng aura at para raw wala itong problema dahil positi­vity ang dala. Marami rin ang umaasang maayos pa nila ni Macky ang kanilang problema dahil sayang din ang five years ba o six years nilang relasyon.

Jeric, nahirapang sagutin ang ‘balikan’ nila ni Rabiya

Ni-like ni Rabiya Mateo ang post ni Jeric Gonzales ng teaser ng Start-Up PH at dahil daw ito sa friends na uli ang ex-couple. Sabi pa ng isang close kay Jeric, magiging proud pa si Rabiya sa ex niya kapag umere na ang nasabing series na magsisimula ngayong Lunes, 8:50 p.m., dahil mahusay si Jeric sa role niyang si Dave Navarro, na isang genius computer engineer.

Sa isang interview ni Nelson Canlas sa podcast nitong Updated with Nelson Canlas, sinabi ni Jeric na “good friends” sila ni Rabiya. “After what happened, of course the controversies and the issues, nag-stay kami na friends, good friends.”

Sa tanong kung nagkabalikan ba sila ni Rabiya, sagot ni Jeric, “Ang hirap sabihin na nagkabalikan. Mas gusto lang muna namin na good friends kami and we support each other and we still have a good relationship as friends dito sa showbiz.”

Samantala, sa mediacon ng Start-Up PH, inamin ni Jeric na masaya siya na makasama sa cast ng series kasama sina Alden Richards and Bea Alonzo.

ALEX GONZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with