^

Pang Movies

Sunshine at Macky, nag-unfollow na sa isa’t isa

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagdududahang break na sina Sunshine Cruz at Macky Mathay.

Napansin lang ito sa kanilang Instagram account na hindi na sila nagpa-follow sa isa’t-isa.

Marami rin ang nakakahalata at nagpaparating ng mensahe ang mga kaibigan ng aktres sa kanyang IG post na sinabi niyang “I experienced so much realizations and challenges while I was locked in for 35 days. It wasn’t easy coz there’s not much you can do but pray and hope for the best. Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.

“So much blessings are being given to me and my family afterall. Wala akong karapatang magreklamo.

“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”

Nung huli naming tsinek ang kanyang Instagram account, wala na ang post na ‘yun.

Jennylyn, babalikan si Xian!

Nagpapasalamat si Dennis Trillo na nagawa naman pala niyang makapag-taping ng isang drama series na nagagawa pa rin niya ang kanyang responsibilidad bilang ama sa anak nila ni Jennylyn Mercado. “Ako naman ginagawa ko patuloy pa rin ‘yung mga rules ko bilang tatay. Kahit anong oras pa ako umuwi, pagkatapos ng taping, madaling araw man o umaga, tsini-check ko pa rin sila,” pakli ni Dennis sa nakaraang media­con ng bagong serye niya sa GMA 7 na Maria Clara at Ibarra na magsisimula na sa primetime sa Oct. 3.

Ngayon lang ito nagawa ni Dennis sa kanyang anak kaya kahit anong pagod niya, gusto pa rin niyang gawin ito pagkauwi.

Ongoing pa ang taping ng Maria Clara at Ibarra, at napag-usapan na nila ito ni Jennylyn na dapat ay hands on pa rin sila sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Next year ay babalik na si Jennylyn sa trabaho dahil tatapusin nito ang Love. Die. Repeat nila ni Xian Lim.

By that time, tapos na si Dennis sa Maria Clara at Ibarra.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with