^

Pang Movies

Donita at asawa, no sex ang pagsasama?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Donita at asawa, no sex ang pagsasama?!
Donita at Felson

“God always offers us a second chance,” banggit ng writer na si Paulo Coelho.

At ito ang binigay sa dating actress / DJ na si Donita Rose.

Kahapon ay ikinasal na siya sa karelasyon na si Felson Palad.

“Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever,” sabi ni Donita na may isang anak sa dating mister na isang IT expert na nakabase rin sa Amerika.

Cute naman ang caption ng singer na mister na ni Donita : “Finally I’m no longer a virgin. it took 37 years.”

Though may ibang napa-react na baka naman joke lang ‘yun.

Gulat sila na may ganun pa pala, isang virgin sa edad na 37 kung totoo raw ‘yun.

Kaya ang mga Marites, naloka. Nagmalisya ang iba.

So kahit daw nagsi-share sila sa apartment, walang nagaganap na pagtatalik o platonic love lang? No sex?

Baka nga joke lang naman talaga.

Alam ng maraming Pinoy sa Amerika na nagsi-share na nga diumano sila sa isang apartment sa Orange County.

Parehong Christian ang bagong mag-asawa kaya siguro ganun daw.

Ang anak ni Donita ang naghatid sa kanya sa altar na twice a week lang daw nagbabakasyon sa ina.

Anyway, wondering ang source ko kung bakit nagkaroon ng away sina Donita Rose at G. Toengi na parehong sa Amerika na naninirahan.

May idea ang ilang malalapit sa kanila kung anong pinagmulan ng kanilang misunderstanding pero ayaw raw nilang magsalita.

Bukas ang pahinang ito sakaling may gustong ipaliwanag sina Donita at G.

Sunshine Cruz, nakasama sa birthday ng anak ang bagong pamilya ni Cesar

 Burado na ang lahat nang kung anumang pinag­daan ng dating mag-asawang Cesar Montano and Sunshine Cruz na nagtapos sa annulment.

Nagsama ulit ang dating mag-asawa sa birthday ng anak nila ni Cesar na si Angelina Cruz.

At kasama ni Cesar doon ang bago niyang partner na si Kath Angeles at kanilang mga anak.

Ipinost pa ni Sunshine ang ‘family photos’ nila.

“We love you Angelina!,” aniya sa caption.

‘Di naman nakita sa nasabing picture ang current partner ni Sunshine na si Macky Mathay.

Unang nagkaroon ng reunion ang dating mag-asawa nung 18th birthday ng kanilang second child na si Sam noong nakaraang buwan.

Napuri naman si Sunshine dahil sa kabila raw ng mga nangyari sa kanila ng dating asawa ay kinalimutan niya ang lahat alang-alang sa kanilang mga anak.

James at Nadine, mas active ang issue ng lovelife kesa career

Hot item pa rin sa social media sina James Reid and Nadine Lustre.

Bawat galaw nila, may kuwento.

Nasa bakasyon sa Paris si Nadine with her boyfriend Christophe Bariou kasama ang kanilang mga kaibigan.

Si James naman ay kumalat ang photos na kasama ang Fil-Am model na si Kelsey Merritt na baka naman nag-chill out lang, inisyuhan na.

Feeling ng fans ni Nadine nasa pi­ling ng tamang tao ang actress na lately ay inactive sa kanyang career.

Si James naman ay walang nilalantad na official girlfriend after Nadine pero consistent ang pagli-link sa kanila ng Nancy McDonie ng Momoland.

Bong, naoperan din sa sobrang pagbubuhat ng mabigat

Anong nangyari kay Sen. Bong (Revilla)? Bungad na tanong namin kay Cong. Lani Mercado noong Biyernes ng tanghali sa isang interview.

Bakit siya naoperahan ng tatlong beses?

“’Yung una, siya na lang magkuwento. ‘Yung second, nagkaroon siya ng kidney stone. Akala namin stomach pain lang kasi may gastritis siya dati. So pina-check namin, ang cause pala ng kanyang stomach pain is kidney stone, shinock wave siya para matunaw ‘yung kidney stone para i-flush out niya. ‘Yung ikatlo is cataract operations, both eyes. So at an early age may cataract siya.”

Sunud-sunod ang operations niya?

“It started July hanggang August. Medyo nag-gain siya ng weight kasi hindi siya puwedeng magbuhat. Hindi siya puwedeng mag-exercise.”

Totoo bang cause ng operation niya is ‘yung kaka-exercise niya?

“’Yung first. Kasi alam mo naman ang buhay ni Sen. Bong, hindi kumpleto ang araw niya ‘pag hindi ‘yan nag-exercise at nag-gym kasi action star. He wants to remain fit, maintain his posture, his fitness. ‘Yun ang isa sa naging cause ng first operation niya. Kasi heavy ‘yung kanyang workout.”

Naka-recover na ba siya ngayon?

“Ok naman siya ngayon pero slowly but surely, hinay-hinay pa rin. More on cardio exercises siya. Nagbubuhat siya pero very very light pero dapat nga ‘wag muna kasi hindi pa nakaka-one month ‘yung left eye niya from cataract operations. Bago nangyari ‘yung cataract operations niya, akala niya may vertigo siya. Sabi namin magpatingin muna sa mata,” pagbabahagi ni Lani na aminadong sa banyo na lang sila nagba-bonding ng mister dahil magkaiba ang schedule nila everyday.

Ngayong araw, ang 56th birthday ni Sen. Bong.

DONITA ROSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with