^

Pang Movies

Alden, pinagbigyan lang si Bea?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Alden, pinagbigyan lang si Bea?!
Alden at Bea

Sure akong pinagbigyan lang ni Alden Ri­chards si Bea Alonzo kaya nanalo sa Family Feud? Naku, sure ako kahit alam ni Alden ang mga answer, pinabayaan niya na lang para win na lang ang team nila Bea. Hahaha.

Ewan ko ba kahit saang anggulo ko tingnan mukhang loser talaga ang Bea Alonzo. Talagang dapat double time ang team Bea para mabigyan siya ng ningning na dati ay talagang bongga noong nasa Star Magic pa siya.

Kasi nga hindi naman nag-effort ang team Bea na maging mabait sa mga tumutulong para magningning siya. Ang ginawa, ‘cancel,’ na para bang sa kanila ang gastos kaya puwede silang mag-cancel ng mga dapat invited na press people sa isang presscon.

Anong klase kayang PR ang master ng Team Bea at akala mo kanila ang gagastahin kaya puwede silang mag-power play. Ayaw kong ibintang kay Bea Alonzo ang kapalpakan ginawa ng kanyang management, puwede na hindi niya alam ‘yung decision na iyon, ipinakita lang sa kanya na ‘hayaan mo, ako bahala’ ng management niya, at iyon nga, ang order na ayaw nilang makita ang mukha namin sa presscon na nag-umpisa sa Beautederm, kung saan hindi naman nabili ang ine-endorse ni Bea na breath freshener at mouth wash, kaya hayan, wala tuloy renewal, hah hah.

Kawawang Bea Alonzo na affected dahil sa power play na ginawa ng kanyang team. Sana nga hindi niya ito alam at ginawa lang without her knowledge, dahil kahit ano pang sabihin, minus factor ito sa kanya. Wala pa akong artista na nakita na naging matagumpay sa pagiging maldita. At wala pa akong management na nakita na gugustuhing mabawasan ang PR ng hawak nila dahil gusto lang ipakita na masusunod ang demands nila.

Hindi kawalan sa amin nina Gorgy at Salve ang isang Bea Alonzo, baka affected pa kami kung si Bea Binene ang magpa-cancel sa amin, hah hah hah.

ALDEN RI­CHARDS

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with