^

Pang Movies

Luis at Jessy, sa mas safe na bahay muna titira   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Luis at Jessy, sa mas safe na bahay muna titira                
Jessy at Luis

Nagbigay ng life update ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa latest vlog ng aktres.

As we all know ay kasalukuyang preggy si Jessy sa first baby nila ni Lucky.

Ibinalita ng mag-asawang nakatakda silang lumipat ng bahay na pansamantala muna nilang titirhan habang buntis si Jessy.

“Hindi pa ‘yun ‘yung bahay namin, ha,” paglilinaw ni Luis.

Kasalukuyan kasing nagpapagawa ng kanilang dream house ang mag-asawa na siyang permanente na nilang titirhan ng kanilang binubuong pamilya. Hindi pa ito natatapos since sinimulan lang ito some months ago.

Sey ni Jessy, naisip nilang lumipat ng bahay na mas safe para sa baby nila. “We’re moving to a new house kasi, we realized na kumbaga, safer for the child na hindi spiral staircase at saka hindi high ceiling.

“So, pumili kami ng house na safer para sa magiging anak namin, and of course, para du’n kami tumira habang lumalaki si Peanut hanggang sa matapos ‘yung talagang bahay natin,” sey ni Jessy.

Sinabi rin ng aktres na medyo hirap na siyang matulog ngayon. “Nakakaramdam na ako ng pangangalay sa legs ko and lower back habang natutulog. ‘Yung para kang nangangalay habang natutulog so you to need to move your legs every now and then.

“Ako, medyo hirap na rin akong matulog sometimes and I’m sure mas magiging mahirap pa habang lumalaki ‘yung tiyan ko lalo,” pagbabahagi ng aktres.

Sa naturang vlog ay nag-unbox ang mag-asawa ng early gifts ng friends nila for Jessy and baby Peanut. Sobrang thankful nila na hindi pa man lumalabas ang kanilang anak ay napakarami nang nagmamahal dito.

Bea, pumirma na sa Viva!

Matapos ang 17 years na pagiging Kapuso homegrown talent, nasa panganga­laga na ngayon ng Viva Artists Agency si Bea Binene na matatandaang produkto ng StarStruck Kids noong 2004.

Since 2021 ay hindi na nag-renew ng kontrata si Bea sa Kapuso network at naging busy siya taking an online short course and culinary studies simula nang magkaroon ng pandemic.

Humarap si Bea sa isang virtual mediacon last Friday at aniya ay sobrang happy siya that she’s now a part of Viva’s roster of talents.

Pinag-uusapan pa raw nila kung ano ang mga proyektong gagawin niya pero looking forward na siya talaga sa mga exciting na mangyayari at sa kanyang pagbabalik sa trabaho.

Sobrang na-miss daw niya ang pag-arte, ang tapings, mall shows at ang pagka-busy sa kaliwa’t kanang showbiz commitments.

Siyempre, isa sa mga natanong kay Bea ay kung willing ba siya na magpa-sexy or sa mature roles, ayon sa aktres ay ready naman siya na mag-level up pero hindi raw niya talaga kaya ang sexy scenes at magpakita ng katawan.

“’Yun ang unang-una kong sinabi noong nag-meeting kami, sabi ko, ‘hindi ko po kaya ‘yun.’ Siguro sa Vivamax naman or ‘yung ibang films ng Viva, hindi naman lahat sexy. Hindi naman lahat medyo daring. For sure, meron naman tayong magagawa na project. Pero ‘yung mga pagpapaseksi, parang hindi ko pa po kaya.”

Natanong din kung okay ba sa kanyang makatrabaho ang kapwa-Viva talent na si Xian Lim since nagkaroon sila ng issue before. Napatawad na ba niya ang aktor?

“Naku, wala naman pong kailangang patawarin kasi wala namang kasalanan,” she said.

Back in 2014, tinawag ni Xian na Bea Binene ang isang impersonator ni Kim Chiu sa episode ng Banana Nite. Marami ang nagalit sa aktor sa kanyang ginawa at kaagad naman siyang nag-apologize sa social media sa aktres at nagpadala pa ng flowers as peace offering.

Ayon kay Bea, kahit noon pa ay hindi naman daw offensive para sa kanya ang ginawa ni Xian.

“At least, kilala niya ako. For me, it’s not offensive. Actually, nagpadala siya ng flowers sa amin before. Kasi dahil nga do’n sa incident na ‘yun but for me, I felt na hindi naman kailangan, eh. But I appreciated it,” ani Bea.

Ngayong under one management na sila, of course, ay willing naman daw siyang makatrabaho ang aktor.

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with