^

Pang Movies

Bea Binene, naagawan ng korona ni Bea Alonzo?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Bea Binene, naagawan ng korona ni Bea Alonzo?!
Bea

Hindi na namin narinig si Bea Binene kahapon sa DZBB at pati sa Radyo Na, TV Pa ng nasabing istasyon.

Eh tuwing Sabado nang bago ang tanghali, napapakinggan/napapanood siya sa programang ito tungkol sa labor-related issues na produced ng DOLE.

May kinalaman kaya ang pagkawala ni Bea sa weekly radio program ngayong lumabas na ang balitang pumirma na ang dating Kapuso artist sa Viva Artist Agency?

May dekada na rin si Bea sa Kapuso Network at nagbida na rin sa ilang GMA series.

Wala naman sigurong kinalaman ang pagsisimula ng series ni Bea Alonzo na Start-Up PH sa Lunes at kapareha si Alden Richards kaya wala na si Bea B sa GMA, huh!

Masikip ba ang mundo kina Bea A at Bea B kaya isa lang dapat ang maging Bea sa GMA? Ha! Ha! Ha! Petty, huh!

Jean, mas in demand pa kesa kay Jennica

Last season finale week na ng adventure serye na Lolong bukas, Lunes. Mawawala na rin sa series si Jean Garcia.

Pero may sumalong bagong show kay Jean na siya ang bida talaga, huh! Ito ay ang Nakarehas Na Puso na bukas ng hapon ang simula bilang kapalit ng The Fake Life.

Kahit masasabing veteran na si Jean, nakaka-jackpot pa rin siya ng lead role, huh! Eh versatile naman ang mukha ni Jean na puwedeng mayaman o mahirap ang character.

Suwerte lang ni Jean dahil hindi siya nawawalan ng trabaho, huh! Daig pa niya ang anak niyang si Jennica Garcia na paminsan-minsan lang nakikita sa TV!                                                                                    

BEA BINENE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with