^

Pang Movies

Kasal ni Angelica, hinihintay rin  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kasal ni Angelica, hinihintay rin               
Angelica

Noon pa palang Martes nanganak si Angelica Panganiban, na lumabas lang mismo sa publiko noong Biyernes matapos na siya mismo ay naglabas ng picture ng mata lang ng kanyang anak na pinangalan nilang Amila Sabine Homan. Kamakailan lang inamin ni Angelica na siya ay buntis na nga, pero makikita mo desidido sila ng kanyang partner na si Gregg Homan na magkaroon ng pamilya. Marami na rin namang relasyong nadaanan si Angelica. Iyong isa akala mo iyon na nga dahil tumagal na sila ng limang taon, kaso mukhang hindi ganoon kaseryoso na mag-pamilya ang boyfriend niya noon kaya nauwi rin sila sa wala.
At meron pang iba na parang ganundin. Mabuti naman at ang kasunod ngang nakilala ni Angelica ay si Gregg na talaga namang sineryoso siya. Kung iisipin naman, maski na ano ang sabihin nila, si Angelica iyong masasabi mong “trophy girlfriend” talaga. Walang ibang detalyeng inilabas si Angelica tungkol kay Amila Sabine. Pero siyempre ang tanong ng fans, ngayong mayroon na silang anak, kailan naman ang kasal?

Mga hubadero sa internet movie, mabilis mawala 

Ano man ang sabihin ninyo, tama ang sinasabi ni MTRCB Chairman Lala Sotto na dapat amyendahan na ang batas at palawakin ang kapangyarihan ng MTRCB para masaklaw iyang video internet strea­ming. Aba eh puro kahalayan na ang nasa internet at walang may control diyan. Dapat ba pabayaan natin ang lahat ng mga kahalayang iyan dahil sinasabi nilang iyon ang kumikita?

Kawawa rin ang mga gumagawa ng ganyang pelikula. Maghuhubad sa una, sa kasunod maglalabas na ng ari. Pagkatapos noon ano pa? May bago na namang maghuhubad at laos na iyong dati, lahat naipakita na eh. Ano pa nga ba ang ipapakita nila?

Ang masakit diyan, bumababa ang tingin sa lahat ng mga artista kabilang na ang lehitimo. Bumababa rin ang tingin sa mga director ng pelikula na lumalabas na porno creator.

Kung hinahabol natin at hinuhuli ang mga pribadong taong gumagawa ng kanilang private video bilang sideline, eh dapat lalo na iyang tuwirang pinagkakakitaan talaga ang mga kahalayan. Dapat amyendahan na iyang classification law. Dapat sakupin na talaga ng MTRCB iyang mga video streaming na iyan. Alisin ninyo ang kabastusan diyan, tingnan ninyo kung may gagawa pa niyang internet movies na iyan. Masasala na natin ulit ang mga pelikula. Masasala na rin pati ang mga artista at hindi na iyang malakas lang ang loob na magbulatlat ng kanilang private parts nagiging artista na.

Sikat na matinee idol, napilitang lumaban dahil sa pangangailangan

Hindi kami naniniwala roon sa ikinakalat na tsismis ng ilan na ang isang sikat na matinee idol ay “silahis.” Ang batayan nila, iyon daw mga usapan na noong hindi pa iyon artista, may pinatulan daw mga bading at “lumalaban” sa sex.

Hindi dahil nangyari iyon ay bading o silahis na siya. Maaaring napilitan siyang gawin iyon “dahil sa pangangailangan.” May panahon naman kasing walang-wala ang kanilang pamilya. Napuputulan sila ng kuryente, ng tubig, at napapaalis sa inuupahang bahay dahil hindi nakakabayad.

Mabuti na lang naging artista siya, sumikat nang husto, at gumanda na ang buhay ng kanilang pamilya.

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with