^

Pang Movies

Sen. Bong, 2 brand new cars ang ipamimigay sa kanyang birthday   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sen. Bong, 2 brand new cars ang ipamimigay sa kanyang birthday                
Sen. Bong

Happy 56th birthday today, Sept. 25, kay Senator Bong Revilla, Jr. at mamayang gabi na ang pinakahihintay niyang Alyas Pogi Birthday Giveaway na bahagi ng celebration ng kanyang birthday sa ganap na ika-6:00 ng gabi. Mapapanood ito sa www.facebook.com/bongrevillajr.ph. Makakasama ni Sen. Bong ang wife niyang si Cong. Lani Mercado-Revilla at ilan pa sa members ng family nila, para magbigay ng saya sa programa.

Ipamamahagi ng senador ang mga premyong inihanda niya bilang pasasalamat sa good health and blessings na natatanggap niya at ng kanyang pamilya. Pasasalamat din niya ito na healthy na ulit siya.

Kaya tumutok lamang sa Facebook ni Sen. Bong dahil baka kayo ang masuwerteng manalo ng dalawang brand new cars, 10 motorcycles, laptops, cast prizes na P100K, P50K, P20K at 10K.

Five hundred viewers din ang puwedeng manalo ng tig-iisang libong piso. Pangatlong taon na ito nang simulan ni Sen. Bong ang mamahagi ng biyaya tuwing sasapit ang kanyang birthday. Happy birthday, Sen. Bong!

Jean, wala nang galit sa puso

Dalawang malalaking teleserye ang handog ng GMA Network, simula ngayong Monday, Sept. 26. Mauuna, sa GMA Afternoon Prime, ang Nakarehas Na Puso na pagbibidahan nina Jean Garcia, Michelle Aldana at Leandro Baldemor.

“Thankful ako sa GMA Network dahil hindi pa tapos ang Lolong ay binigyan na nila ako ng bagong serye naman sa Afternoon Prime,” sabi ni Jean. “At kung ang sama-sama ng character ko sa Lolong, bilang si Amelia naman sa Nakarehas na Puso, isa namang akong mapagmahal na ina na handang gawin ang lahat para sa pamilya.”

Ang Nakarehas Na Puso ay mapapanood at 4:15 p.m., sa GMA 7, after ng Return to Paradise.

At mapapanood na rin ng Kapuso viewers ang primetime series na Start-Up PH. Ito ang first ever TV adaptation of the breakthrough 2020 South Korean series with GMA Network.

Ang Start-Up PH, ay tatampukan ng real-life dreamer na si Alden Richards as the Good Boy Tristan and multi-awarded actress Bea Alonzo as Dani, with Yasmien Kurdi as Dani’s older sister as Ina, and Jeric Gonzales as Dave. Ayon kaya Alden, “we have a show and it is something that we can be very proud of. ‘Yung mga fans ng Korean version, gusto rin nilang makita na ang Filipino adaptation is something worth their while, at based sa trailer, masasabi naming may laban po kami.”

Mapapanood ito at 8:50 p.m., after ng Lolong.

BONG REVILLA JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with