^

Pang Movies

Ex na sinaktan ng miyembro ng E-Heads, kumampi kay Kat Alano

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kabilang si Barbara Ruaro sa nagpahayag ng suporta kay Kat Alano by tweeting, “Sending you love, @katalano! God prevails.” Comment ito ni Barbara sa tweet ni Kat na “I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally after 17 years.”

Naalala ng netizens si Barbara na inireklamo ang former partner niya na nananakit sa kanya, si Marcus Adoro, na miyembro ng Eraserheads at pati yata kanilang anak nadamay. Inirereklamo ng fans na dapat hindi na kasama ng banda sa kanilang reunion concert si Marcus dahil may kasong physical abuse kay Barbara.

Wala nang update ang kaso kung itinuloy ba ni Barbara o pinatawad na ang dating partner. Nakahanap ng pangalawang pag-ibig si Barbara sa aktor na hiwalay sa asawa at sila ngayon ang nagsasama at may anak na nga.

Juancho, kinarir ang pagpapari

Obvious na hindi nagbasa ng mga libro ni Dr. Jose Rizal ang isang netizen na nag-comment kung bakit ganu’n ang buhok ni Juancho Trivinio sa historical portal fantasy ng GMA 7 na Maria Clara at Ibarra na parang bunot. Wala rin sigurong nakitang old photos ang netizens para makita ang ayos ng buhok at ang suot na abito ng mga pari noon.

Anyway, para ma-achieve ang mala-bunot na buhok para sa role niyang si Padre Salvi, nagpagupit ng army cut si Juancho at saka ipinatong ang wig sa kanyang ulo.

Ayun, na-achieve ang Padre Salvi look niya para sa isa sa malaki at importanteng serye ng GMA 7 sa taong ito.

“Ipinatong na lang sa ulo ko ang wig at nagpa-army cut nga ako para walang makitang buhok sa sides. Malalim ang Tagalog at mainit ang costume ko at sa kakapalan nga, kapag kinagat ako ng aso, wala akong mararamdaman. But good experience ito at ready na akong magalit sa akin ang tao,” sabi ni Juancho.

Makikilala na ang karakter niya simula sa Oct. 3, 8 p.m., sa world premiere ng series sa direction ni Zig Dulay.

Jessy, namangha sa mga regalo sa anak

Ang pasasalamat ni Jessy Mendiola sa maraming nagreregalo sa baby nila ni Luis Manzano at wala pang baby shower na nagaganap. Sa post ni Jessy na kasama si Luis, ipinakita nila ang mga natanggap ng regalo for their baby na tinawag nilang si “Peanut.”

Hindi pa binubuksan nina Jessy at Luis ang mga regalo, pero makikitang may Louis Vuitton bags. May curious din kung ilang sterilizer na ang natanggap ni Jessy? Sa rami ng gifts, parang hindi na nila kailangang mamili pa.

Sabi ni Jessy sa kanyang post, “Let the spoiling begin! Grabe pagmamahal niyo kay baby Peanut! Daming maagang gifts from our loved ones! Thank you very much! We are so grateful.”

Binanggit din ni Jessy na sumingit siya ng shopping (online) habang naka-quarantine siya two weeks ago dahil dapat daw hindi kinakalimutan ang self-love.

Naalala namin, si Vilma Santos ang unang nagregalo sa kanyang unang apo at marami na ang sumunod. Maganda raw pam-buena mano ang mom-in-law ni Jessy at nangako pa ngang initial palang ang dalang regalo para sa kanyang apo at may mga susunod pa.

Donita at Felson, kasal na!

Ang daming nag-congratulate kina Donita Rose at Felson Palad na ikinasal kahapon sa isang private estate sa San Clemente, California. Deserve raw ni Donita ang maging masaya sa piling ng lalake na magmamahal sa kanya nang lubos.

Marami rin ang natawa sa caption ni Felson sa kanyang post sa Instagram dahil ang sabi, “Finally I’m no longer a virgin. It took 37 years” na ang ibig sabihin, virgin ang mister ni Donita at si Donita talaga ang hinintay nito.

Ang ganda ring mapanood na ‘yung anak ni Donita sa ex-husband ay part at nasa tabi nila ni Felson habang sila ay ikinakasal. Sa mga larawan, makikita ang magandang ngiti ng anak ni Donita na for sure, very happy rin sa mom niya.

KAT ALANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with