^

Pang Movies

Piolo, mas may oras sa mga halaman kesa jowa   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Piolo, mas may oras sa mga halaman kesa jowa            
Piolo

Aminado si Piolo Pascual na may inggit din naman siyang nararamdaman kapag nakikita niya ang mga kaibigan and colleagues na naka-settle down na at may sari-sarili nang pamilya. “Siyempre naman, tao lang tayo,” sey ni Papa P nang makatsikahan namin siya sa ginanap na official launch niya bilang Beautederm ambassador last Thursday.

“Pero anong magagawa natin? Mas mahal ko ‘yung mga halaman. Hindi, joke lang,” dagdag niya sabay-tawa.

Nahihilig kasi ngayon sa paghahalaman ang aktor simula nang magkaroon ng pandemic at manirahan sa kanyang rest house sa probinsya.

Ibinahagi nga niya sa press ang kanyang naging journey bilang plantito (tawag sa mga taong plant lovers).

“Nagsimula ako sa walang alam. Tapos binagyo ‘yung bahay namin, so lahat nung tinanim ko na biniyahe ko sa Bulacan, Batangas, Laguna, Calamba, na-wipe out. We were hit by a typhoon last year at 150-200 kph.

“So, lahat nung tinanim ko, natanggal. So, ‘yun ‘yung tuition fee ko,” kwento niya.

Since then ay natuto raw siya at naging maingat na siya since malaki rin ang nagagastos niya sa mga halaman.

When asked kung naisip na ba niyang gawin itong negosyo, aniya ay ipinamimigay niya at hindi niya ibinebenta.

“I give it away. Sabi ko nga, siguro, feeling ko, ‘yun ang ending ko, magtatayo na ako ng garden sa rami ng halaman ko,” sey niya.

Samantala, si Papa P ang endorser ng pinakabagong set ng oral care essentials ng Beautederm na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

“Grateful ako sa aking Beautéderm fami­ly at kay Ms. Rei (Rhea Anicoche-Tan, President & CEO of Beutederm) para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na mga ito that I absolutely love,” pahayag ng aktor.

Vic at Pauleen, ‘di na maawat si Tali sa pag-aartista

Tinanggap ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang offer na show ng Net25 na Love, Bosleng And Tali kasama ang kanilang anak na si Tali dahil magaan lang naman daw ang show at nasa bahay lang sila.

Sa nasabing programa ay iba-ibang istorya ang aabangan ng manonood tuwing Linggo, 6 p.m. Tutulungan nina Bossing and Pauleen (BosLeng) ang isang letter sender kung saan ay magbibigay sila ng payo sa buhay.

Bagay na bagay raw ang konsepto ng show sa Net25 dahil nga good vibes lang ito at very positive.

Isinama nila si Tali sa show since nakikita naman talaga nila na mahilig daw ang bata sa showbiz. Na hindi naman kataka-taka dahil nga parehong artista ang magulang niya.

“Behind the camera, she’s very funny, nakakatawa siya. Eh hilig, eh. Alam mo na, ‘pag hilig ng bata, hindi mo maaawat, eh, hindi mo mapipigil. Ang importante naman eh, nag-e-enjoy siya. Tulad nga ng sabi ni Poleng, enjoy siya sa ginagawa niya, looking forward parati ‘pag may taping kami,” sey ni Bossing sa ginanap na grand mediacon ng Net25.

Dagdag naman ni Poleng, “and for me, what’s nice is that we’re present sa first acting experience niya, we can lead her, we can somewhat protect her, and also, I think, she’s very fortunate dahil, ‘di ba, she’s given this chance to learn from the best,” sabay-turo kay Vic.

Natanong ang mag-asawa kung may balak pa silang sundan si Tali at sey ni Pauleen, “kung ibibigay naman ni Lord, then, of course, I want. But you know, we’re very happy with Tali and she’s been praying for a baby sibling. But siguro, we’ll just pray harder. But kami naman, whatever goes, okay naman.”

Ayon naman kay Bossing, syempre ay gusto rin niya. “Kaya pa naman,” sey niyang natatawa.

“Isa lang naman ang problema, si Tali, laging nasa gitna namin,” dagdag pa niya.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with