^

Pang Movies

Bagong jowa ni Michelle, mala-hollywood actor ang dating  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Bagong jowa ni Michelle, mala-hollywood actor ang dating           
Michelle at BF

Marami ang naiinggit sa dating aktres na si Michelle Madrigal dahil sa bagong boyfriend nito. Bukod daw sa guwapo ito, bortang-borta pa ang katawan. Papasa rin daw na Hollywood actor ito.

Sa pinost na short video sa Instagram ni Michelle, naging open na ito sa bago niyang relasyon. Sey pa niya na “feels like home” kapag kasama niya ito.

“God answers prayer according to His perfect will, in His perfect timing. This was definitely not in my plan. I wanted to be single for as long as I could…. But boyyyyy I’m so glad it happened. It’s so freeing to feel like a lady again. Not having to be in a fight or flight mode all the time. It feels like home,” caption pa niya.

Noong August isinapubliko ni Michelle ang relasyon niya sa bagong boylet pagkatapos ng isang taong paghihiwalay nila ng ex-husband niyang si Troy Woolfolk. Nagsisimula na rin kasi ang proseso ng kanilang divorce.

Noong April ng taong ito nagtapos ang relasyon ni Michelle kay Troy at co-parents sila sa four-year-old daughter nilang si Anika.

Divorced at may mga anak din ang bagong boylet ni Michelle kaya hindi raw mahirap na magkaintindihan sila dahil pareho sila ng sitwasyon sa buhay.

“He’s also divorced, he’s got kids. I think it was just a good, I would say, match sa lifestyle ko and sa lifestyle niya. And one of the things na natutunan ko after divorce and dating, like, it’s gonna hard to connect with someone that’s single na walang anak. Obviously kailangang single sila for me to date them,” sey ni Michelle sa kanyang vlog.

Never pang mine-mention ni Michelle kung ano ang buong pangalan ng kanyang guwapong boylet.

Juday, Mylene at G Toengi, nag-reunion sa salon

Nagkaroon ng hindi inaasahang reunion ang tatlong members noon ng ‘90s teen series ng ABS-CBN na Gimik na sina Judy Ann Santos, Mylene Dizon at Giselle “G” Toengi.

Nasa Pilipinas si G noong Sept. 18 pa. Wala pang interview si G kung bakit nasa Pilipinas siya. Dahil sa rami daw ng dalang maleta ni G, mukhang magtatagal siya sa bansa.

Sa salon naganap ang biglaang reunion nina G, Juday at Mylene. Nataon kasi na iisa lang ang pinupuntahan nilang hair salon.

Umaasa ang fans nila noon na magkaroon ng bonggang reunion ang Gimik dahil nasa Pilipinas naman halos lahat ng cast tulad nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Patrick Garcia, Kaye Abad, Diego Castro, at Diether Ocampo. Ang wala lang sa bansa ay si Bojo Molina na sa Guam naka-base. At siyempre, miss ng lahat si Rico Yan na pumanaw noong 2002.

Umere ang show na Gimik noong 1996 hanggang 1999. Sinubukan ni G ang makipagsapalaran sa Amerika at nangarap na ma-penetrate ang Hollywood. Pero hindi masyadong sinuwerte ang career niya roon, pero sa US niya nakilala ang kanyang mister at nagkaroon sila ng dalawang anak.

Paminsan-minsan ay umuuwi si G para lumabas sa teleserye at pelikula. Huli siyang napanood sa pelikulang Trophy Wife noong 2014. Sa GMA ay lumabas siya sa mga teleserye na Paraiso Ko’y Ikaw at Carmela na parehong umere noong 2014.

Miss U 2022 Harnaaz Sandhu, ipapasa na ang korona

May official venue na ang Miss Universe pageant sa Jan. 14, 2023.

Gaganapin ang coronation night ng Miss Universe 2022 sa New Orleans, Louisiana, USA.

“We are thrilled that the great city of New Orleans will be hosting this year’s Miss Universe pageant. This vibrant city has been at the top of our list to host for quite some time due to its rich cultural history as well as its unique arts, entertainment, and culinary scene,” sey ni Miss Universe Organization president Paula Shugart.

Maipapasa na rin ni reigning Miss Universe Harnaaz Sandhu of India ang kanyang korona sa susunod na mananalo ng Miss Universe title: “My time as Miss Universe has been an incredible experience and I am so grateful for all the opportunities I have received as a result of this platform.”

Delegates mula sa 85 countries ang lalahok sa Miss Universe 2023, kabilang na rito ang Pilipinas na ang kandidata ay si Celeste Cortesi.

MICHELLE MADRIGAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with