^

Pang Movies

Mga talent ni Bambbi, alagang-alaga

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga talent ni Bambbi, alagang-alaga
Sharmaine at Christa

Malapit na ang showing ng pelikula ni Bambbi Fuentes na Sugat sa Dugo. Kaya parang walang pahinga si Bambbi, talagang aligaga.

Totoong hanga si Salve sa focus ng mga ­alaga ni Bambbi, na napakasuwerte dahil imagine mo na ang hair and makeup nila alagang-alaga ng Bambbi Fuentes Salon.

Kaya marami na talaga ang excited na panoorin ang pelikula na showing na pala sa Sept. 28.

Kaya huwag kalimutan na malapit nang mapanood, Sugat sa Dugo, ang master piece ni Bambbi Fuentes. Watch it.

Madalas na brownout, naasahan

Grabe ang haba ng brownout kagabi rito sa amin. Mabuti na lang at medyo umuulan at mahangin kaya medyo malamig, kundi tiyak na pawis ang aabutin mo.

Maganda pag sa gabi at madaling araw ang brownout dahil nakahiga at patulog na ang mga tao, walang masyadong maaabalang trabaho. Dapat nang asahan ang madalas na brownout dahil in-announce na nga na medyo mahina na ang supply ng kuryente lately.

Huwag sana itong maging dahilan ng sad Christmas para sa atin, basta hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa na gaganda pa rin ang buhay ng lahat. Every year naman may panahong medyo nanghihina ang pananalig natin, pero later on gumaganda naman ang lahat.

Basta keep the faith, lahat iyan malalagpasan natin, kayang-kaya. Pilipino tayo, matatag at matapang. Bangon lang at harapin ang lahat ng hamon.

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with