^

Pang Movies

Rhian at Michelle, nagsasama na sa isang bahay!  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Rhian at Michelle, nagsasama na sa isang bahay!           
Michelle at Rhian

Iniwan na pala ni Rhian Ramos ang kanyang tinitirhan at magiging housemates na sila ni former Miss World Philippines at Miss Universe Philippines runner-up Michelle Dee.

Nagdesisyon daw sina Rhian at Michelle na uupa na lang sila ng isang bahay na malapit sa bahay ng isa pa nilang girl friend na si Max Collins.

Sa Instagram ni Rhian, pinost niya ang feeling senti niya sa pag-alis sa kanyang tinitirhan. Ilang taon din daw siyang namalagi roon kaya hindi niya mapigilan ang malungkot. “One last night here before I move to a new sanctuary and it’s getting senti!,” caption pa ni Rhian.

May mga marites na nag-comment na baka natuto na ring maging praktikal sina Rhian at Michelle sa panahon ngayon. Mas okey nga na maghati na lang sila sa renta ng bahay, kuryente, tubig at groceries. Mas makakatipid din daw sila kung isang sasakyan na lang ang gagamitin nila sa mga lakad nila.

Sa panahon ngayon, pati mga artista ay nagtitipid. Kahit na malaki ang kinikita nila, mabilis naman maubos dahil sa pagmahal ng gasolina at groceries, at singil sa kuryente at tubig.

Allen, inaral ang pang-mayamang galaw

Nagpakilig ang AlFia loveteam o kilala rin na Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa naganap na Manila International Book Fair para sa exclusive sneak-peek ng trailer ng kanilang bagong kilig series na LUV IS: Caught In His Arms.

Adapted sa Wattpad series ni VentreCanard ang malapit nang mapanood na kilig-serye sa GMA.

Bukod kina Sofia at Allen, kasama rin nila ang iba pang co-stars nila sa meet-and-greet event ang Sparkada Boys na sina Vince Maristela, Michael Sager, Sean Lucas, at Raheel Bhyria.

Natuwa naman si Sofia na malakas pa rin ang suporta ng fans nila ni Allen. After nga naman ng Raya Sirena, hinintay ng kanilang fans ang LUV IS.

“Ramdam na ramdam po namin ‘yung suporta nila, para ipakita ‘yung suporta at pagmamahal hindi lamang sa amin kundi para na rin sa author kay Ventre Canard, lalo ngayon na nag-face reveal na siya. Kung wala kayo, wala rin kami. So, maraming salamat and we love you all,” sey ni Sofia.

Sinegundahan naman ito ni Allen: “Basta ang masasabi lang po namin na super excited kami na mapanood nila itong LUV IS: Caught In His Arms”

Gaganap ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia at Allen sa LUV IS: Caught In His Arms bilang sina Florence at Nero.

RHIAN RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with