^

Pang Movies

John Lloyd, aminadong maraming natutunan ang anak kay Derek  

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
John Lloyd, aminadong maraming natutunan ang anak kay Derek             
John Lloyd Cruz at Elias

Happy raw si John Lloyd Cruz sa mga magagan­dang nagagawa ni Derek Ramsay sa anak niyang si Elias.

Ibinalita ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na nakausap niya si Lloydie sa birthday party ni direk Edgar “Bobot” Mortiz at isa nga sa napag-usapan nila ay ang anak ng aktor kay Ellen Adarna na as we all know ay asawa na ngayon ni Derek.

Sey nga raw ni Lloydie, wala namang problema sa kanila ni Ellen when it comes to co-parenting at anytime ay nahihiram naman daw niya si Elias.

“Saka sabi sa akin ni John Lloyd, maganda rin na nando’n si Derek,” kwento pa ni Ogie.

Sabi pa raw ni Lloydie, “ang ganda rin ng ginagawa ni Derek para sa anak ko.”

Four years old pa lang daw si Elias pero parang mature na at malaking bahagi raw si Derek kung bakit lumalaking responsable ang bagets.

Makikita naman talaga sa posts ng mag-asawa kung gaano nga kamahal ni Derek si Elias at kung paano niya talaga ito ituring na parang tunay rin na anak.

Kaya naman hindi kataka-takang matuwa si Lloydie sa ipinapakitang pagmamahal at pag-aaruga ni Derek kay Elias.

Julia, nakipagtagisan kay Carlo

Star-studded ang ginanap na red-carpet premiere night last Monday ng pelikulang Expensive Candy under Viva Films na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino.

Bukod nga sa pagdating ng dalawang bida pati na ang buong cast, dinaluhan din ito ng ilang Viva celebrities at isa nga sa namataan namin si Yassi Pressman. Nakita rin namin sina Pooh at Moira dela Torre.

Pero ang talagang ikinatuwa ng marami ay ang pagdalo ni Marjorie Barretto para suportahan ang aktres.

Sey nga ni Marjorie nang makausap sandali ng ilang reporters, sobrang excited siya to watch the film lalo pa nga’t first time ito ni Julia na gumawa ng sexy film. “This is a grown-up Julia. But I’m sure this is a better version of her definitely. She really worked so hard for this project,” sey ni Marjorie.

Of course, may basbas daw niya ang pagtanggap ni Julia ng pelikula at pagpayag sa daring scenes. Aniya ay binasa raw niya ang script ng Expensive Candy at inaprubahan niya ito.

Ang ganda raw ng script ng pelikula plus si Carlo pa ang kasama na isang magaling na aktor at si direk Jason Paul Laxamana pa ang direktor.

Besides, Julia is already 25 na rin daw at may tiwala siya sa kanyang anak.

Sa pelikula ay ginagampanan ni Julia ang papel na Candy, isang prostitute sa Angeles City. And in fairness, napakadisente naman ng pagpapa-sexy ng aktres at kitang-kita na talagang inalagaan siya ni direk Jason. Bukod dito, napakaganda rin niya sa buong pelikula kahit ano pa ang kanyang suot.

Nakipagtagisan din si Julia ng pag-arte kay Carlo na of course ay alam nating isang napakahusay na aktor. Sa mabigat na confrontation scene nilang dalawa, hindi rin naman nagpahuli ang aktres at naramdaman din naman namin kay Carlo ang pagpapaubaya na mag-shine ang kanyang leading lady.

Palabas na ang Expensive Candy sa mga sinehan ngayong Sept. 14.

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with