^

Pang Movies

Rhian, marunong magdala ng relasyon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rhian, marunong magdala ng relasyon
Rhian at Sam

Gusto ko ang pagdadala ni Rhian Ramos ng lovelife niya, Salve. Hindi siya nagtatago o nagdi-deny, ayaw lang niyang pinag-uusapan para hindi lumalaki ang balita.

Ganun din si Sam Verzosa, hindi magdi-deny, pero ayaw pag-usapan para huwag nang lumaki. Maganda dahil tahimik ang lovelife nila.

Parehong mabait na tao sina Rhian at Sam, kaya naman ginagalang din ng mga tao sa paligid nila ang relasyon nila. Sana nga it will be a forever affair of the heart for both, basta maligaya, go. Huwag nang harangan pa, pabayaan natin silang lumigaya.

Richard at Carmina, naibahan sa Abot Kamay…

Siguradong maraming matututunan ang mga manonood sa bagong serye ng GMA na pinagbibidahan nina Carmina Villarroel, Richard Yap, at Jillian Ward, ang Abot Kamay na Pangarap.

Ayon kay Carmina isa ito sa mga first time ng GMA dahil may medical aspect ito kaya bagong-bago sa panlasa ng mga manonood. Hindi raw ito hardcore drama pero tagos talaga sa puso na tungkol sa pag-asa.

Kahit nga si Richard ay naiibahan sa genre nito dahil tungkol daw ito sa family, love, at career kaya kahit siya ay ibang Richard Yap daw talaga ang makikita sa serye.

At bongga dahil pinaghandaan din nila ang mga karakter nila at nanood pa sina Richard at Jillian ng live brain surgery!

Exciting talaga kaya panoorin ito simula ngayong araw, Sept. 5, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.

RHIAN RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with