^

Pang Movies

Baka matulad sa yaya nina Prince William and Prince Harry Oxford, may offer na special caregiving course

Dianne Canlas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakikilala ng Oxford International Education Group (OIEG) sa unang pagkakataon sa mga Pilipino ang extensive portfolio of university pathway programmes at online courses na may layuning makapagbigay ng dagdag kaalaman at karanasan.

Nag-umpisa noong 1991, ang international education provider ay tumutulong sa mahigit 80,000 estudyante sa buong mundo.

Ipinapahayag ng OIEG na na-acquire na nito ang East Coast International College, Canada na nag-o-offer ng caregiving vocational course na tinatawag na Continuing Care Assistant (CCA) sa qualified Filipinos.

Ang CCA program ay bukas sa lahat ng mga gustong makapagtrabaho sa healthcare sector ng Nova Scotia, kung saan patuloy na lumalawak pa ang employment opportunities.

Ayon kay Andy Caldwell, Chief Commercial Officer ng OIEG, ang brand new program ay kanilang ino-offer sa mga Pilipinong gustong makapagtrabaho bilang caregiver sa Halifax, Canada, at ito nga ang pinakaunang beses na kanilang ilulunsad ang programa sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundo. Sisimulan ang unang intake nito sa September ngayong taon.

Ilan nga sa mga kilalang tao ang malaki ang na­ging parte ng mga Pinoy caregiver sa kanilang buhay.

Noong taong 2020 kung kailan kasagsagan ng COVID-19 pandemic, sinorpresa ng American comedian, television host, actress, writer, and producer na si Ellen DeGeneres ang isang Pinay frontliner na si Flor Maylyn Roz ng isang brand-new SUV.

 Si Roz ay isang Filipino-American nurse na nagtatrabaho sa isang local hospital na nag-aalaga sa COVID patients. Kaya bilang pasasalamat ni Ellen ay binigyan niya ito ng regalo.

Samantala, hindi rin nakalimutan nina Prince William and Prince Harry ang nurse at isa sa royal nannies na nag-alaga sa kanila mula noong 1985 to 1999 na si Araceli “Lilly” Piccio mula sa Bacolod City.

Kaya naman hinding-hindi makakalimutan ng Pinay royal nanny nang siya’y naimbitahan sa royal wedding nina Prince William and Duchess Kate Middleton.

Gaya na lamang din ng lolo ng Canadian singer na si Michael Buble, kung saan ang huling hiling nito ay bigyan ng sariling bahay ang kanilang Pinay caretaker na si Minette na nagtrabaho sa kanila ng maraming taon.

Talagang maipagmamalaki saang mang sulok ng mundo ang kabutihang puso ng ating mga kababayan na overseas Filipino worker na itinuturing na bayani sa kasalukuyan dahil sa kanilang sakripisyo.

Sa mga interesadong mag-aral na Pilipino upang maging healthcare worker, maaari silang magpasa ng application form kung saan sila sasailalim sa assessment at sa halagang $20,000, tatagal ang caregiving course sa loob ng 40 weeks na isa lamang small intimate classes na may 20 hanggang 24 katao kada klase.

Kapag natapos na nila ang kurso at makakuha ng work permit para makapagtrabaho, maaari na silang maging permanenteng residente ng Canada.

Sinisiguro naman nila na magkakaroon ng garantisadong trabaho ang mga Pilipinong matatapos ang kurso.

Nagbibigay rin sila ng scholarships sa qualifying students na may high academic records on a first-come, first-served basis. Makakatulong ito sa mga estudyanteng walang kakayahang matustusan ang kanilang pag-aaral kung saan suportado ito ng Nova Scotia Provincial Government.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Continuing Care Assistant Prog­ram ng East Coast International College, bisitahin lamang ang https://oicareercolleges.com/programs/continuing-care-assistant/.

PRINCE WILLIAM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with