^

Pang Movies

Sarah G, pasok sa listahan ng Hot 50 World Songs August 2022 ng KPOP site

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Bongga si Sarah Geronimo.

Ang rason, nakasama pala ang kanta niyang Duyan sa listahan ng Hot 50 World Songs August 2022 sa KingChoice, ang pinakamalaking international KPOP voting site.

Kaya naman proud na proud ang Popsters, ang grupo ng fans ni Sarah at abala sila kahapon sa pagti-tweet.

Partida pa nga naman na hindi active sa social media si Sarah sa kasalukuyan at ang tagal na ng kantang ito ng Pop Royalty, 2018 pa, na kasama sa kanyang This 15 Me album.

Ito ‘yung album niya noong kanyang 15th anniversary sa showbiz industry.

Kasalukuyan ding inactive si Sarah sa kanyang acting career pero sunud-sunod naman ang mga endorsement niya at ang latest ay pinagsama sila for the first time ng mobile brand na TNT ng YouTube star na si Mimiyuuuh para sa isang music video collab.

At kung mister niyang si Matteo Guidicelli ay Kapuso na, itinanggi ng GMA executive ang kumalat na may offer sila sa Popstar Royalty.

James at K-pop star na si Nancy McDonie, gumagala sa abroad!

Spotted na naman daw sa abroad na magkasama ang rumored couple na sina James Reid and Nancy McDonie ng K-pop group na Momoland.

Pero walang timeline ang mga lumabas nilang litrato.

Basta, magkaharap sila at parehong naka-white shirt.

Hindi ito ang first na time na diumano’y nagdate sila at may lumabas na  sweet videos and photos sa US at sa South Korea.

Lately ay maingay ang pangalan ni James sa social media lalo na nga at naihanap niya ng movie project si Liza Soberano sa Hollywood, ang Lisa Frankenstein with Cole Sprouse and Kathryn Newton.

Kaya asahan daw na may mga magpapa-ma­nage pa sa kanyang kum­panya.

Aktres, ‘di ni-renew ng malaking endorsement

Nawalan pala ng endorsement ang isang actress ayon sa isang malapit sa actress.

Nagulat daw sila na hindi na ito ni-renew ng nasabing brand.

Nanghihinayang daw ang ilang malalapit sa actress pero hindi naman puwedeng sila ang maghabol.

Lately ay hindi lang ang nasabing actress ang nawalan ng endorsement. May iba pang celebrity.

Nabawasan daw ang impact ng iba dahil marami na ring competitor kasama na ang ibang influencer na bukod sa mas mababa ang talent fee, mas masipag daw mag-promote.

Ngayon daw kasi nagbibilang na ang mga brand kung ilang beses nag-post ang kanilang mga endorser.

Mangingisdang nasalanta ng bagyong Odette, binigyan ni Noli ng bagong bangka

Halos isang taon matapos ang pananalasa ng super typhoon Odette sa Southern Leyte, bumiyahe ang KBYN team sa Brgy. Bobon upang malaman ang estado ng kanilang kabuhayan.

Dahil nawasak ng bagyo ang mga bangkang gamit nila sa pangingisda, nahihirapan pa rin silang bumalik sa kanilang normal na paghahanapbuhay hanggang ngayon.  

Bilang pagbibigay ng pag-asa sa mga biktima, nagbigay si Kabayan Noli de Castro, katuwang ang ABS-CBN Foundation at Lingkod Kapamilya, ng bagong bangka para sa mga mangingisda sa Leyte sa bagong episode ng KBYN: Kaagapay ng Bayan ngayong Linggo (Agosto 21).  

Samantala, aalamin ng KBYN team ang tungkol sa pag-aalaga ng igat at hito na pwede ninyong ikaasenso.

Ibinahagi ni Vice Mayor Martin Angeles ng Bustos, Bulacan ang kanyang negos­yo na pag-aalaga at pagbebenta ng hito, ang pangalawa sa pinakasikat na isda sa bansa kasunod ng tilapia, na kung saan malaki-laki ang kinikita niya rito. 

Habang ang dating boy mula sa Laguna na si Arnel Alfaro, naging big time naman sa eel farming na negosyo.

Maaari ring makipagsapalaran sa fish farming na ito ang mga manonood dahil ang pag-aalaga ng igat at hito ay pwedeng gawin rin lamang sa likod ng bahay.  

Kitkat, aligaga sa pagpapadede

Padede mom din ang first time nanay na si Kitkat.

Nanganak na nga siya more than a week ago at talagang alagang-alaga niya ang baby.

Caesarean section ang komed­yana kaya ilang araw din siya bago naka-recover.

Agad-agad pinakita ni Kitkat sa social media ang anak.

“1 week after giving birth..

“no tulog, no ligo, sore, cracked, bleeding nipples... but will never trade this for anything else.. im at my happiest serving and loving my pretty little baby.. #Complete #happybreastfeedingweek #breastfeedingjourney #PadedeMom.”

Sabi naman niya sa isa pang post : “Now lang nakapagsuklay simula nang maligo kahapon haha… patulog kay madam baby… aru need ko mag cr ayaw patinag ni madam gusto kadikit sa­kin… pano?! Haha #padedeMom #1stTymMom #2WksPostPartum #CS,” aniya habang karga-karga ang baby at nagpapasuso.

Congratulations, Kitkat.

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with