^

Pang Movies

John, nanganib din sa COVID!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John, nanganib din sa COVID!
John

Hindi alam ng marami na nagmuntik-muntikanang mamaalam ang award-winning actor na si John Arcilla nang ito’y magka-COVID nang malala habang siya’y nagbabakasyon sa Amerika nung late December 2020.

Pero sa kabila ng kanyang naging sitwasyon ay hindi umano siya nagpa-hospital doon dahil alam na niya ang kanyang magiging ending.

At that time, John was staying in his cousin’s house na lahat kinapitan ng deadly virus. Tulad niya, hindi rin nagpa-hospital ang mga ito dahil bukod sa punuan noon ang mga pagamutan doon, mas marami ang lumalabas na abo na lamang bagay na sobrang kinatakutan ng magpipinsan including John.

Sila-silang magpipinsan na lamang ang nagkatulungan dahil lahat naman sila naging positibo.

Sa halip na 14 days of home isolation, inabot si John ng mahigit isang buwan.

Ang pagiging positibo ng actor sa virus ay hindi niya ipinaalam sa kanyang pamilya sa Pilipinas dahil ayaw niya ang mga ito na mag-alaala pa.

Nang umuwi ng Pilipinas si John, sumakabilang-buhay naman ang kanyang ama dahil sa katandaan na. Hindi na nakuha pang makipaglibing si John sa ama sa takot na siya pa ang maging carrier ng virus sa kanyang pamilya dahil kagagaling lang niya noon ng Amerika.

More than three months later ay namatay naman ang kanyang nakatatandang kapatid dahil sa COVID nung June 2021 at pagdating ng Sept. 1, 2021 ay sumunod naman ang kanyang bunsong kapatid na babae na pumanaw din dahil sa COVID.

‘Yung trauma sa pinagdaanan ni John nang siya’y magka-COVID sa Amerika ay biglang nanumbalik sa kanyang isipan nang magkasunod na mawala ang kanyang dalawang kapatid.

Dumaan si John sa isang roller coaster of emotions. Pagkamatay ng kanyang youngest sister nung Sept. 1, muli siyang (John) kinapitan ng virus nung Sept. 9 when he was about to leave for Venice para sa ika-78th Venice International Film Festival in Venice, Italy dahil nominado siya sa pagka-Best Actor para sa pelikulang On The Job: The Missing 8.

Meron na umano siyang plane ticket at nakapagpaalam na umano siya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano pero dahil sa sunud-sunod na dagok na dumating sa kanya at ang kanyang pagiging positibo ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon, sobra na umano siyang pinanghinaan ng loob na umalis pa at kinakailangan din niyang ma-home quarantine.

Sa gitna ng pagluluksa ni John, isa namang magandang balita ang dumating sa kanya nung Sept. 11, 2021 - nakakuha niya ang Volpi Cup for Best Actor.

Sa kabila ng mga pinagdaanang trials ni John, walang mag-aakala na siya ang mananalo ng Volpi Cup kung saan ay kahilera na niya sina Brad Pitt, Sean Penn, Ben Affleck, Michael Collins at iba pang Hollywood and International A-List actors.

JOHN ARCILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with