^

Pang Movies

Darryl Yap, na-boo NG mga filmmaker sa Cinemalaya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Darryl Yap, na-boo NG mga filmmaker sa Cinemalaya
Darryl

Hindi nakasama si Sen. Imee Marcos kina Direk Darryl Yap at Cristine Reyes ng Maid in Malacañang na lumipad pa-Dubai para sana makita ang mga kababayan natin doon na OFW na manonood ng nasabing pelikula dahil nag-positive siya sa COVID-19.

Sabi sa official statement na nilabas ng office ni Sen. Imee, positive pa rin siya ayon sa resulta ng RT-PCR and she was advised na ipagpatuloy ang quarantine at hindi siya puwedeng mag-travel.

“We sincerely apologize for the inconvenience this has caused but the virus remains to be a real risk for global travel. The Senator’s medical team and Viva management deemed it safer to cancel her trip for the sake of her health and everybody that she will have close encounters with.”

Samantala, curious kami kung sinong filmma­kers ang tinukoy ni Direk Darryl na nam-boo nang mabasa ang pangalan niya sa credits ng isang film na entry sa katatapos na Cinemalaya. Nakarating kay Direk Darryl na biglang may mga nam-boo na filmmakers.

Sino kaya ang mga director na ‘yun? Hindi na nagbanggit ng pangalan si Direk Darryl na kasing-controversial ngayon sa dinerehe at sinulat na Maid in Malacañang.

Diego at Isko, ‘di pa nakakapag-usap tungkol kina Joaquin at Raffa!

Na-interview ni Ogie Diaz si Diego Castro, ang ama ni Raffa Castro na ina naman ng baby boy nila ni Joaquin Domagoso. Natanong ni Ogie si Diego kung ano ang feeling na lolo na siya at una niyang apo si baby Scott sa bunso pa niyang anak na babae?

“Ay ang sarap pala, especially nung una kong nahawakan si Scott, ‘yung apo ko. Ang sarap pala, naramdaman ko ‘yung naramdaman ng parents ko, na madami akong apo na binigay sa kanila eh. Full of joy. Hindi cliché, hindi showbiz, talagang iba,” ang sagot ni Diego.

Follow-up ni Ogie kay Diego ay kung ano ang initial reaction niya nang malaman ang balita? “Eh siyempre bunsong anak ko ‘yan sa girl ah, ‘yung babae, naalala ko ‘yung mga joke niyo sa akin nung bata ako. ‘Kapag ikaw kinarma sa pinaggagawa mo.’ So natakot ako, sabi ko, ‘Naalala ko ‘yung sinasabi niyo, Eh hindi, kinausap naman ako ni Joaquin kaagad so nawala ang galit. Saya na lang lahat.”

Hindi pa raw nagkakausap sina Diego at ama ni Joaquin na si Isko Moreno na gaya ni Diego, masaya rin sa kanyang apo at inangking kamukha niya ang baby.

Kung magkakausap sina Diego at Isko, mapag-usapan kaya ang kasal nina Joaquin at Raffa?

Dennis, ayaw tigilan ang mga anak

Kasama sa cast ng Maria Clara at Ibarra si Dennis Padilla at sa nakita naming larawan, camisa de chino ang suot niya. Walang nabanggit kung ano ang role ni Dennis sa historical portal fantasy series ng GMA 7 na sa Ilocos ang shooting (hindi malinaw kung saan sa Ilocos).

Sabi ng netizens, ganyan dapat ang gawin niya, magpaka-busy na lang kesa mag-moment na hindi siya naaalala ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto. Noong isang araw, si Claudia Barretto naman ang na-post ni Dennis na nami-miss daw niya at dahil walang latest na photo ng anak, old photo na kasama niya ito ang pinost.

May mga naawa na naman kay Dennis, may hindi natutuwa dahil pagmumulan na naman daw ‘yun ng bashing kay Claudia at inakusahan siyang nagpapapansin. May mga nagpayo rin na hayaan na muna niya ang mga anak dahil sa tamang panahon, maaalala rin ng mga ito na siya ang tatay nila.

Angelu, inaatake ng bell’s palsy ‘pag pagod

Umaatake pa rin ang Bell’s palsy ni Angelu de Leon at nalaman ang kanyang kondisyon nang maging guest siya ni Pia Arcangel sa podcast nitong Surprise Guest with Pia Arcangel. Kuwento ni Angelu, mas okay na ang lagay niya ngayon.

Kapag sobrang pagod daw siya, lumalabas ang kanyang kondisyon. “Pero you know, I mean it doesn’t bother me anymore. I think that’s one thing—acceptance is key nga.”

Dagdag pa ni Angelu, mula nang harapin at tanggapin ang kanyang kondisyon, marami siyang natutunan tungkol sa challenges na dumarating sa kanya. Dahil sa dito, mas naging grateful sya sa Diyos dahil sa katatagan ng loob na harapin ang kanyang kondisyon.

Last time na inatake ng Bell’s Palsy si Angelu ay noong 2016, hindi raw ito nawala at tuwing pagod nga siya, nagpaparamdam ng konti.

DARRYL YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with