^

Pang Movies

Kantang Happy You stayed ni Sab, isang pasasalamat para sa mga kaibigan

Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaalay ng singer-songwriter na si Sab ang kanyang bagong single na Happy You Stayed sa mga kaibigan na nariyan pa rin ngayon para sa kanya.

Isinulat ni Sab ang bagong awitin mula sa Tarsier Records noong summer ng taong 2021 habang college freshman siya na natanto na ibang-iba ang buhay kapag hindi na kasama ang mga kaibigan na naging bahagi ng buhay niya sa matagal sa panahon.

“I ended up writing Happy You Stayed’ for my best friends, basically saying everything I wanted to say to them. It was my way of saying that even if we’re having different experiences, I’m happy that they stayed and I’m really proud of everything they’re doing,” kwento niya.

Isang indie-pop singer si Sab sa ilalim ng ABS-CBN Music na naghahatid ng iba’t ibang kwento sa kanyang makulay na pagsusulat ng musika na naglalarawan ng buhay, coming of age, at sarili niyang karanasan.

Bago ang Happy You Stayed, nilabas niya rin ang kanyang I’d Like To single sa ilalim ng Tarsier Records.

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with