^

Pang Movies

Vice, tinawag na demonyo ang mga nag-iintrigang hiwalay na sila ng asawang si Ion

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Vice, tinawag na demonyo ang mga nag-iintrigang hiwalay na sila ng asawang si Ion
Ion at Vice

Hinihintay pa rin ng ibang followers ni Vice Ganda ang kanyang rebelasyon tungkol sa pinagdaanan diumano niya at ng kanyang pamilya.

May ilang pahaging na si Vice tungkol dito.

Pero ang isang sigurado ay hindi raw sila hiwalay ng ‘asawa’ niyang si Ion Perez.

May ilang nang-intriga kasi na wala na raw sila at kanya-kanya na.

Ayon kay Vice sa It’s Showtime kahapon, nagkanya-kanya muna silang bakasyon kasama ang kani-kanilang pamilya bilang pambalanse.

Masaya raw sila kaya’t ‘wag gagawa ng intriga. “Mga chismosa kayo! Hiwalay na raw kami ni Ion? Itong mga demonyong ‘to!,” sabi niya kaya’t ‘wag daw sanang gagawa ng intriga.

Nagpunta nga raw kasi sa Japan si Ion kasama ang pamilya, habang sa Bohol naman si Vice kasama ang pamilya.

First time raw nilang maghiwalay ng almost a week since nagsama sila noong magkaroon ng pandemic sa isang bubong.

Andi, sinamahan ang karelasyon sa reunion sa unang anak

Nasa France ngayon sila Andi Eigenmann.

Bale tatlo ang anak nilang kasama ng fiancee niyang professional surfer na si Philmar Alipayo na nag-birthday kahapon.

Nasa Hendaye, South Western France ang pamilya, kung saan nag-reunion ang ama (Philmar) ng mga anak ng dating aktres sa anak nito sa una nitong nakarelasyon.

At kasama rin nila ang eldest ni Andi na Ellie. “Joyeux anniversaire, papa! I know how long you have been waiting for a chance to come back to France and I hope you’re happy spending your birthday here, with all of us with you! It’s inspiring to see you work to achieve your dreams, but always manage to keep us, the kids specially, a top priority. We’ll be here to support you all the way!,”post ni Andi.

Melai, hitsurang ‘di raw nakakabili ng damit na pantulog!

Natuwa ang marami sa pagiging ‘classic mom’ ni Melai Cantiveros nang i-post niya ang isang photo habang karga ang isang anak at ang isa ay natutulog sa couch.

Bukod sa bagong gising sila, sira-sira ang shirt na suot ng komedyana. Maging ang couch na inupuan nilang mag-iina ay may mga sira.

Pag-amin niya : “Pasukan na tlaga yung ginising muna sa kama , paglabas ng kwarto may part || pa na pagising  very me , pero I Love it sana kahit magdalaga na kayu @atemelafrancisco and @stelarosalind ganyan padn kayu kay mama ha  super duper love u somuch mga Lablab ni Mama.”

At least daw si Melai, hindi nakikipagsabayan sa ibang celebrity nagbibihis muna bago magpicture at i-post.

Pero ang hinahanap ng ibang followers niya ay ang mister niyang si Jason Francisco dahil nang ihatid nito ang mga anak sa eskuwelahan, wala rin ang asawa.

Alice, ipinaliwanag ang pagiging ‘gate crasher’ sa GMA Ball

Jinustify ni Alice Dixson ang sinuot niyang yellow gown sa ginanap na Black and White party ng GMA 7 Gala Night.

Siya lang kasi ang naiba sa mga dumalo at sinabi ngang nagmaldita sa theme ng ball.

Aniya sa isang post kahapon :

“It has come to my attention na may mga nagalit nainis nagba-bash tungkol sa lovely bright @gakuyabykimgan canary yellow gown ko na suot ko noong #GMAThanksgivingGala #GMAGalaNight

“At ang sabi pa daw, ay gate crasher pa ang dating ko, at nasira ko ang magandang preparation ng gala; really??!

“Tsk2, ang tao ng naman…

“For me (and I also looked it up ha!) ang isang Formal Black and White event is simply that, a formal event.

+ No where on any of my invitations that I received (attached) did it say you could only wear black and white!

“So I’m sorry if I hurt your feelings or sensibilities.

“I honestly thought I accomplished what was needed for the night:

Give thanks mingle and meet my colleagues and the bossesand have fun

“Kayo mga bashers, anong nagawa nyo???

Pls Lang huwag nmn kasi kayo masyado judgmental.”

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with