^

Pang Movies

Giyera ng ABS-CBN at GMA 7, buhay na buhay na ulit  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sino ang nagsabing natapos na ang network wars, ayan at maliwanag na naman.

Noong hayaan ng ABS-CBN ang ilan nilang artista, na siyempre hindi iyong malalaki kundi starlets lamang, na lumipat sa GMA 7, at nagbenta pa sila ng mga lumang pelikula ng Star Cinema, sinasabing iyan na ang katapusan ng network wars.

Pero pakagat lang pala iyon, at nag-iipon sila ng lakas.

Ngayon iginigiit ng ABS-CBN na inilalampaso na nila ang shows ng GMA dahil milyon diumano ang nanonood sa kanila sa internet.

Iyon ang ipinagmamalaki nila. Ang GMA naman walang pakialam, dahil ang ipinagmamalaki nila ay ang lumalabas na survey ng AGB Neilsen at Nutam na nagpapakitang inilalampaso ng kanilang shows ang mga palabas ng ABS-CBN.

Pero ngayon, sinasabi ngang lumaki ang laban ng ABS-CBN, dahil kasosyo na sila sa TV5, at bukod doon, inilalabas pa rin sila ng Zoe TV.

Ibig sabihin bukod sa internet at cable, naka-simulcast din sila sa dalawang frequencies sa free TV, iyong Channel 5 at Channel 11.

Hindi na gaya ng dati na dahil wala silang prangkisa ay wala sila sa free TV. Ngayon nakabalik na sila at sa dalawang channels pa.

Dahil doon, nang mabalitang nakapasok na nga sila sa TV5, biglang tumaas ang rating ng shares of stocks ng ABS-CBN sa local stock market, na matagal ding sumisid.

At inaamin nila na tumutubo na sila ulit ngayon, lalo na matapos na tipirin na rin nila ang cost of production ng kanilang shows.

Asahan na natin ang bakbakan sa audience share ng GMA 7, at ng ABS-CBN na bukod sa ipinagmamalaki nilang internet audience ay may dalawa pang channels sa free TV.

Julia, paborito ng mga ‘marites’

Talaga nga yatang napag-iinitan ngayon ng mga Marites si Julia Montes. May inilabas na naman silang picture ng isang thanksgiving party raw sa pagtatapos ng serye ni Coco Martin, at naroroon si Julia na bagama’t nakasuot ng itim, tila nga malaki ang tiyan.

Marami rin ang nagsabi, lahat daw ng cast ng serye ay nagpunta noong nakaburol ang yumaong si Susan Roces, bukod tangi kay Julia. Kasi “masama raw sa buntis ang magpunta sa patay.”

Bakit nga ba iginigiit nilang buntis si Julia?

Noon naman iginigiit nila na nanganak na kaya nawala ng mahigit isang taon. Eh ano ba sa kanila kung mabuntis man at magkaanak si Julia?

Ang mahalaga ay alam niya kung sino tatay ng mga anak niya, at kung pinanagutan naman ng tatay ang mga anak, ano problema ninyo roon?

Male starlet, pinagkakakitaan ang mga ukay-ukay

Putok ang ulo sa problema ng isang male starlet.

Noong isang araw lang kasi ay bumili siya ng isang tambak na ukay-ukay, na dahil sa nag-aartista nga at may hitsura ay nakakabola sa kanyang ginagawang online selling.

Iyong nakukuha niyang P500 ang isang bundle na ukay-ukay, naipagbibili niya nang libo ang isang piraso lalo na kung branded at “wala namang issue,” ibig sabihin walang sira.

Eh ngayon ibinabawal na iyon, dahil iyan daw pala ay ipinadadala rito bilang relief goods, at kung ibebenta nga, kailangang patawan na ng tax.

Kung tataas pa ang presyo ng kanyang mga used clothings na ibibinebenta niya online, may bibili pa kaya? 

Marami na nga sa mga dati niyang buyers ang nakahalata na sa raket niya.

ABS-CBN

GMA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with