^

Pang Movies

Marian, 27M na ang followers sa FB!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marian, 27M na ang followers sa FB!
Marian

Ang pagpapa-thank you ni Marian Rivera sa kanyang Facebook followers na umabot na sa 27M. “Awww. Thank you” lang ang nasabi ni Marian sa milyones niyang followers at ang lagay na ‘yun, marami pa sa fans niya ang hindi naka-follow.

Hindi lang sa FB umaabot sa milyon ang follo­wers niya dahil sa Instagram, may 12.2M followers siya.

Ang kalu-launch lang na TikTok account nito, may 37,000 followers na and counting.

Isa si Marian sa marami ang followers sa lahat ng socmed accounts.

Suportado ng fans nina Marian at Dingdong Dantes ang mga ginagawa nila mapa-showbiz man o personal. Mataas ang ratings ng Tadhana hosted by Marian, ang comedy show nila ni Dingdong na Jose & Maria’s Bonggang Villa at ang Family Feud at Amazing Earth both hosted by Dingdong.

Speaking of Marian, panalo ang cover niya sa Cosmopolitan na kung saan, sinabi nitong ang family pa rin ang kanyang priority. “To be honest, gusto ko mas i-achieve ‘yung maging good mother sa mga anak ko at good wife sa husband ko... Iyon ang aking priority.”

Casa Arellano, malapit nang matapos 

Malapit nang matapos ang ipinapatayong bahay nina Drew Arellano at Iya Villania sa may parteng Rizal at tinawag nilang Casa Arellano. Sa Instagram Stories ni Drew, ipinasilip ang progress ng construction ng kanilang bahay na elevated, kaya iwas sa baha.

Ipinakita ni Drew ang balcony na may glass walls at kung saan, makikita ang Laguna lake at ang Metro Manila skyline. May outdoor play area rin para sa apat nilang mga anak at magsasawa sa pagtakbo at paglalaro ang mga bata.

Eight months nang under construction ang bahay na parang kailan lang, nag-groundbreaking ang mag-asawa kasama ang mga anak.

Hardworking naman kasi sina Drew at Iya at bukod sa kani-kanyang shows, may mga negosyo pa si Drew, may pera sila para sa pagpapagawa sa kanilang bahay.

Carmina, binigyan ng Hermes bag ni Mavy

Makikitang na-appreciate ni Carmina Villarroel ang birthday gift sa kanya ng anak na si Mavy Legaspi na isang Pink Hermes Picotin bag dahil kahit sa photos nila ni Zoren Legaspi, bitbit ni Carmina ang bag. Matagal na palang pangako ni Mavy sa mom niya na bibigyan ng luxury bag at sa 47th birthday ni Carmina natupad.

Kahapon, Aug. 17, ang birthday ni Carmina, pero advance ang celebration nilang magpapamilya dahil may taping ang aktres ng Abot Kamay na Pangarap. Sa post ni Carmina sa dinner nilang mag-anak, may na-miss siyang malapit na tao sa kanya.

Samantala, si Richard Yap ang kapareha ni Carmina sa Abot Kamay na Pangarap and this is the first time na sila’y magtatambal.

Coco, tahimik pa sa susunod na proyekto

Ayaw pang kumpirmahin ni Coco Martin kung may part 2 ang Ang Probinsyano na katatapos lang last Friday, Aug. 12. Ayaw rin nitong magsalita kung ang isa pang movie ni FPJ (Fernando Poe Jr.) na Batang Quiapo ang sunod niyang gagawin.

Nag-iikot pa si Coco at ilan sa cast ng Ang Probinsyano para magpasalamat sa suporta ng viewers na seven years tinutukan ang series. Sa series din ito na-launch ang pagiging director ni Coco.

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with