^

Pang Movies

Miguel at Ysabel, papalit kila Kylie   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Miguel at Ysabel, papalit kila Kylie              
Ysabel at Miguel

Nasa last two weeks na lamang ang Bolera, starring Kylie Padilla, Rayver Cruz, Jak Roberto and Ms. Jaclyn Jose, with Gardo Versoza and Joey Marquez, kaya nagpapasalamat na si Rayver: “sobrang nakakataba po ng puso at thankful ako na napasama ako sa cast ng first sport drama series ng GMA.”

Ikinuwento rin ni Rayver kay Nelson Canlas, sa kanyang Updated podcast, ang samahang nabuo sa cast at crew ng Bolera – “naging isang malaking pamilya kami sa lock-in taping. Ang saya ng samahan – kahit mabibigat ang eksena, magaan ang pakiramdam ng buong set.”

Mapapanood ang Bolera, hanggang sa Friday, Aug. 26, at 8:50 p.m., after Lolong, sa GMA 7

Ang feel-good series na first project together ng Sparkle stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa GMA, ang What We Could Be ang papalit sa Bolera.

Ang What We Could Be ay first collaboration ng GMA Network at ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso. Makakasama rin nina Miguel at Ysabel sa cast si Yasser Mata at si Ms. Celeste Legaspi.

Handa na ngang magpakilig sina Miguel at Ysabel, at mapapanood na sila sa world premiere nito simula sa Aug. 29, 8:50 p.m., after Lolong.

The Clash Season 5, simulana ang online audition

Nagsimula na ang online audition sa The Clash Season 5 para sa Filipinos, na 16 years old pataas, na may talent sa pagkanta.

Sa mga interesadong sumali, mag-upload lang kayo ng video with accompanying self-introduction, one Tagalog song and one English song. Maaaring kumanta lang ng acapella, or may kasaling live instruments. Iwasan lamang gumamit ng voice effect or enhancements sa inyong video.

Tumutok lamang sa official social media account ng The Clash para sa mga susunod pang detalye ng audition.

Panel judges ng The Clash 5 sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista. Hosts sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Sino kaya ang magiging co-journey host ni Ken Chan?

KYLIE PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with