^

Pang Movies

Coco, ‘di pa sigurado sa Batang Quiapo!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Coco, âdi pa sigurado sa Batang Quiapo!                
John at Coco

Hindi pa masabi ni Coco Martin kung may book 2 ba ang FPJ’s Ang Probin­syano matapos ang successful run nito sa telebisyon for almost 7 years.

May balita kasing magkakaroon ng book 2 ang nasabing serye na matatandaang nagtapos last Friday. At marami rin talaga ang nagre-request na sana nga ay magkaroon pa ulit ng another season.

“Actually, hindi ko pa alam, honestly,” sabi ni Coco tungkol dito sa panayam ng ABS-CBN. “Nakarating sa akin ‘yun pero siyempre, management ang magdedesisyon.”

If ever siyempre ay willing naman daw ang aktor kung talagang ito ang makapagpapasaya sa mga tao.

“Sa akin kasi, kung ano ‘yung makapagpapasaya sa mga manonood,” aniya.

Sinagot din ni Coco ang ispekulasyong ang susunod na ire-remake naman nila ni Julia Montes ay ang Batang Quiapo na pinagbidahan din noon ni yumaong Da King Fernando Poe, Jr at Maricel Soriano.

“Honestly, hindi pa, hindi ko pa alam. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss, eh, or pag-usapan, pagmitingan. Siguro, after ng mga tour, ng mall shows, eh meron pa kaming US tour. Saka namin siguro pag-uusapan kung anon’g next,” sey ng aktor/direktor.

Janella, hindi agad naging close kay Jane

Inamin ni Janella Salvador na talagang nagdalawang-isip siya na tanggapin ang iconic role na Valentina sa Mar’s Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

“I actually had second thoughts. At first pinag-isipan ko muna kasi obviously I’ve never done a role like this before. Usually ang roles na ginagawa ko, ako ang inaapi or mabait, ganyan. My first time time do something like this na I’m like super villain, so pinag-isipan ko siya mabuti,” pahayag ni Janella sa panayam ng Star Magic’s Inside News.

Pero in the end ay tinanggap na rin niya ito and for her, best decision daw ito na ginawa niya.

“Naisip ko why not? And it’s one of the best decisions I’ve ever made. I’m really enjoying being Regina and Valentina,” sey niya.

Ikinatuwa rin niya na makatrabaho ulit ang dating ka-loveteam na si Joshua Garcia na matatandaang nakapareha niya sa The Killer Bride.

“Actually it’s really nice to be working with him again kasi actually nung pumasok ako sa Darna, siya lang ‘yung ka-close ko roon aside from Joj (Agpangan). Noong una, kami ‘yung laging magkasama kasi kami ‘yung nagka-work na before,” saad ni Janella.

Sa pakikipagtrabaho naman kay Jane for the first time, aminado siyang noong una ay hindi talaga sila close.

“Actually with Jane lang personally, hindi kami agad-agad naging close rin kasi we are both introverts but we really made an effort to bond with each other, we worked on it talaga.

“And I really want to get to know her din kasi ­siyempre magkakasama kami rito so kailangang maging okay. At okay talaga kami. Like I said nagba-bonding kami.

“We watch movies together, tapos nagfu-food trip kami after taping, okay naman so far. Pareho kaming old soul. Mahilig din siya sa old songs, old movies,” kwento ni Janella.

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with