^

Pang Movies

Alden may kampanya para sa mga Aspin

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Alden may kampanya para sa mga Aspin
Alden

KINUHANG ambassador ng grupong PAWS si Alden Richards sa campaign nitong I Love My Aspin. AsPin ang tawag ngayon sa asong Pinoy na Askal ang unang tawag.

Eh lingid sa kaalaman ng marami, may alaga ring Aspin si Alden na Pachuchi ang tawag niya.  Bukod ito sa iba niyang fur babies na may breed.

Kaya bilang suporta sa campaign ng PAWS, kasama sa campaign at pictorial na ginawa ni Alden ang Aspin niya.

  Kasama ni Alden sa campaign si Heart Evangelista na may Aspin ding alaga na Panda ang tawag niya.

Ang panawagan ni Alden sa may alagang Aspin, itulad din ang mga ito sa may breed na aso na dinalada rin sa beterenaryo pag may sakit at dog food din ang ipakain at hindi ‘yung pagkaing tira-tira lang.

Miles, ‘tsugi’ muna sa Bulaga

Hindi muna mapapanood nang pisikal si Miles Ocampo sa Eat Bulaga.

Si Miles kasi ang “natanggal” sa Bida Ex na segment ng Bulaga. Pero present pa ang nakasama niya sa grupo na sina Maja Salvador at Allan K.

‘Yun nga lang, may online presence si Miles na kunwari ay kausap ni Maja at hindi maka-get over sa “pagkawala” niya sa APT Studios.

Pero kahit na sa video call ni Maja, may paandar pa ring Knock Knock jokes si Miles, huh! In fairness, kuwela si Miles kahit sa Zoom lang siya lumalabas sa show!

ALDEN RICHARDS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with