^

Pang Movies

John, ‘di makakalimutan ang Probinsyano

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
John, âdi makakalimutan ang Probinsyano
Coco at John

Saludo ang actor na si John Estrada sa husay ni Coco Martin hindi lamang bilang actor, director, at creative head, kundi napakahusay rin ng kanyang trato ­sa lahat ng kanyang mga katrabaho.

Kahit pitong buwan o kulang sa isang taon lamang ang itinagal ni John sa nagtapos na top-rating and longest-running action drama series na FPJ’s ang Probinsyano, hinding-hindi niya makakalimutan ang kanyang naging experience working with Coco again sa ikaapat na pagkakataon, pero ito ‘yung first time na siya mismo ang co-director ng serye. Kakaiba umano ang work ethics at alaga na ipinatupad sa taping ng serye.

John admits na kakaiba ang role na kanyang ginampanan sa Ang Probinsyano na tiyak na tumatak din sa mga manonood.

Ayon na rin mismo kay John, naging running joke umano sa mga actor na kapag hindi ka napasama cast  ng FPJ’s Ang Probinsyano ay hindi umano kumpleto ang ‘yung pagiging isang artista kaya isa umanong malaking karangalan na siya’y napabilang sa serye sa pagtungtong nito ng ika-anim na taon.

Ngayong tapos na ang FPJ’s ang Probinsyano, bawi muna ang actor sa kanyang pamilya na matagal-tagal ding panahong hindi niya nakasama.

John, anim na taon naging promdi

Matagal-tagal nang nasa pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN ang award-winning actor na si John Arcilla - since last year matapos siyang manalo ng Volpi Cup as Best Actor sa ika-78th Venice International Film Festival for the movie On the Job: The Missing 8 na dinirek ni Erik Matti, making him the First Filipino actor and first Asian actor to take home the plum.

Anim sa pitong taon ang inilagi ni John sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Renato Hipolito, ang pikamatinding kaaway ni Cardo Dalisay.

Sa lahat ng characters na naging mortal enemy ni Cardo, si Renato Hipolito ang pinakamatagal at umabot pa siya sa makasaysayang pagtatapos ng serye last Friday, Aug. 12.

Ngayong tapos na ang FPJ’s Ang Probinsyano, simula naman siya sa pinakabago niyang serye, ang Dirty Linen na pagbibidahan naman nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo at unang tambalan (bilang magka-loveteam) nina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Kakaiba ang character ni John as Carlos. Sobrang yaman, simplatiko pero may dark side.

JOHN ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with