^

Pang Movies

Partnership ng ABS-CBN at TV5 lunas daw sa monopolyo ayon KBP!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Partnership ng ABS-CBN at TV5 lunas daw sa monopolyo ayon KBP!

‘Solusyon’ ang investment deal ng ABS-CBN at TV5 sa monopol­yo sa TV industry, ayon mismo sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

“I’d like to believe that on the contrary, this is even an antidote to monopoly because in the present situation, there seems to be a so-called monopoly because we know that there is one TV network that seems to dominate the TV broadcast industry,” pahayag ni KBP president Herman Basbaño.

Mismong si Manny Pangilinan, chairman ng MediaQuest na nagmamay-ari ng TV5, ay aminado namang maliit na player sa TV industry ang TV5 kaya hindi niya nakikitang may monopolyo sa partnership deal nila sa ABS-CBN. “We’re nowhere near GMA. May mga bumabatikos. Maliit pa ang TV5. I don’t know why people think it’s a major media organization,” sabi ni MVP na inulat sa isang website.

Samantala, nagsalita din si Rep. Gus Tambunting, chairman ng House Committee on Legislative Franchise.

Aniya, simpleng business transaction lamang ang partnership deal ng ABS-CBN at TV5. “In my opinion, this is just a simple business transaction wherein there is one company with a free channel and franchise, while another company formerly had a franchise and formerly featured good content,” sabi ni Tambunting sa isang interview.

Wala rin umanong basehan ang Philippine Competition Commission (PCC) na sabihing may monopol­yong magaganap dahil sa sanib-pwersa ng Kapatid at Kapamilya, ani Infrawatch PH convenor Terry Ridon. “We don’t see any basis for PCC to strike the deal, as this does not involve a transaction, which will reduce or limit competition. In fact, when ABS-CBN lost its franchise in 2020, it ceased to be the dominant player. TV5 has not yet attained that dominant status in the same sector,” kwento ni Ridon.

Ayun naman pala.

Ang sure na mangyayari ay ang pagsigla ng industriya dahil sa healthy competition na magiging resulta ng partnership ng Kapamilya at Kapatid.

Mas mabubuhay ang dugo ng ibang network na magpasikat at maghandog ng mas magagandang programa sa publiko na tiyak na bubuhay din sa lumaylay na interes ng marami sa panono­od ng telebisyon.

Last August 11 nang inanunsyo ng ABS-CBN at TV5 Network, Inc. ang pagpapatupad ng Investment Agreement na magpapahintulot sa ABS-CBN na makakuha ng 6, 459, 393 primary common shares sa TV5 na kumakatawan sa 34.99 % ng total voting and outstanding capital stock of TV5 for an aggregate subscription price of P2.16Bn.

Gerald at Julia, shaky ang relasyon?!

May hint ang isang source na may pinagdaraanan ang magkarelasyong Gerald Anderson and Julia Barretto.

Shaky nga ba? At hindi lang diumano pinahahalata ng dalawa pero lumakas ang usapan sa ilang circle tungkol dito dahil panay daw ang travel ni Julia na mag-isa habang si Gerald ay walang paramdam na magkasama sila pagkatapos ng kanyang biyahe sa Switzerland para sa pelikula ni Kylie Padilla, Unravel.

Wish ng ibang fans na hindi ito totoo dahil nauna nang sinabi ni Gerald nasa isip na niya ang pagpapakasal.

May ilan ngang nang-iintriga na baka matulad sina Gerald at Kylie kina Paolo Contis and Yen Santos.

Sinasabing sa Faroe Islands (Greenland) habang ginagawa nila ang pelikulang A Faraway Land nag-umpisa sina Paolo at Yen na ngayon ay unti-unti nang nagiging open.

Isa pang sinasabi ng mga Marites ay ang tirik-matang eksena nina Gerald at Ivana Alawi sa A Family Affair. Baka raw nakaapekto ito.

Ahh ano kayang totoo tungkol dito?

ABS-CBN

TV5

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with