^

Pang Movies

Jinkee, laging prinipresyuhan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Jinkee, laging prinipresyuhan!
Jinkee

‘Kaaliw, prinesyuhan ang workout outfit na suot ni Jinkee Pacquiao sa isa niyang workout at puro branded ang suot nito.

Ang baseball hat na suot ni Jinkee ay Gucci at worth  $390 dollars at equivalent sa P19,000 sa peso. Ang  pink croptop niya ay galing sa Balmain Paris at worth $295 dollars at sa peso ay P14,000.

 Sa isang araw na workout lang niya suot ang mga ‘yun at hindi pa kasama ang suot pang-ibaba na hindi pa nape-presyuhan at tiyak, umaabot din ng thousand of pesos.

Gaya nang sinabi namin, sa isang araw lang na suot at pang-itaas lang ang napresyuhan. Ilan ba ang workout outfit ni Jinkee?

Paano kung sa labas ng bahay siya nagwu-workout? Doble sigurado ang presyo ng mga suot nito.

Jaya at pamilya, nakakabawi agad sa sunog

Kinuwento ni Jaya sa post niya sa Instagram ang pagkasunog ng kanilang bahay noong August 7, nataon pang birthday ng anak niyang si Sab. Electrical issue raw ang dahilan ng sunog, na ang ibang parte ng bahay ay hindi nasunog.

 Pinasalamatan ni Jaya ang mga kaibigan at neighbors nila na tumulong at ‘yung isa, pinatira pa sila sa bahay nito. Marami ring nagbigay ng shoes, clothes, at marami ang nag-message from friends, fans from the Philippines.

 Pinasalamatan din ni Jaya ang kaibigan nila ng asawang si Gary na nag-open ng GoFundMe account. “Thank you so much to all of you who sent and still are sending us financial help. We might not be able to respond to your messages, but know that we are thankful and so grateful,” pasasalamat ni Jaya.

 Mabilis makaka-recover sina Jaya dahil bukod sa maraming tumutulong sa kanila pati financially, may trabaho agad siya. May show siya kasama ang The Jets at mukhang masusundan pa.

John gustong patayin ng fans sa tunay na buhay

 Ngayong tapos na ang Ang Probinsyano, nahimasmasan na siguro ang isang viewer na  galit na galit kay John Arcilla dahil sa karakter na ginampanan nito sa series. Pinost ni John sa Instagram ang comment ng viewer na babae at sobra ang galit sa aktor at gusto nitong mamatay na si John.

 “Sana mamatay kana sa totoong buhay John Arcilla. Ipagdasal kita na sana mamatay kana sa totoong buhay napaka animal mo.”

 Sagot ni John, “Sana hindi ka seryoso. Dahil kahit alam kong mas powerful ang faith ko bilang tao sa iyong intention, parang I need to post this to make other

people aware na may mga audience na ganito na sana ay mapaliwanagan ng iba. Chill lang mga Pars at Mars. Serye lang po walang personalan. Sana naman joke-jokan lang yan. Kung nagagalit kayo kay Hipolito, understandable pero kung sakin, parang I think kailangan natin i-review an gating sense of reality,” part ng post ni John.

 Siguro, aabangan din ni ate gurl ang next series ni John para muli siyang mabuwisit!

JINKEE PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with