^

Pang Movies

Usapang pagbubuntis ni Julia, halata na sa finale ng Probinsyano?!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Usapang pagbubuntis ni Julia, halata na sa finale ng Probinsyano?!                
Julia

Consistent ang balita na buntis si Julia Montes ngayon na siyempre ang tinuturong ama ay walang iba kundi ang rumored boyfriend na si Coco Martin.

Napansin kasi ng netizens na sa last episode ng FPJ’s Ang Probinsyano aired last Friday ay parang iba raw ngayon ang katawan ni Julia. Kitang-kita nga naman sa long shot na magkasama sila ni Coco na tumaba ang aktres at medyo malaki ang tiyan.

Kaya ang tanong nilang lahat ay kung buntis na naman daw ba si Julia.

Ang nakakaloka nga ay hindi pa nga nila nili­linaw ang hindi mamatay-matay na isyung may anak na sila, ngayon ay may balitang buntis na naman?

Isa pang tanong ng fans ay kung kailan daw ba magsasalita ang dalawa sa mga isyung ipinupukol sa kanila tulad nga ng may relasyon, may anak, at engaged na.

Well, sana nga once and for all ay magsalita na sina Julia at Coco para naman mabigyan na ng linaw ang lahat ng mga issues.

Angelica, ‘di muna magpapakita pagka-panganak!

Sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube ay ibinahagi ni Angelica Panganiban ang mga regalong natanggap niya sa ginanap na baby shower kamakailan para sa first baby nila ni Gregg Homan.

Makikitang enjoy na enjoy ang aktres while unboxing the gifts at super-thankful siya sa rami ng nagmamahal sa baby kahit hindi pa man ito lumalabas.

May mga natanggap siyang regalo from Anne Curtis, Judy Ann Santos, Dreamscape Head Deo Endrinal, ABS-CBN executive Cory Vidanes, showbiz couples Edu Manzano & Cherry Pie Picache, gayundin ang magdyowang direktor na sina Dan Vilegas & Antoinette Jadaone, Ryan Bang, at marami pang iba.

Habang nagbubukas ay may mga tsika siya. Isa nga sa nakuwento niya ay malaki raw ang utang na loob niya kay Sir Deo E. na siyang dahilan kung bakit niya nakilala si Gregg.

“Hindi ko na yata makakalimutan si Sir Deo dahil kung hindi dahil kay Sir Deo, hindi kami magkikita ni Gregg. Kasi siya ‘yung nagbigay sa akin ng opportunity na gawin ‘yung soap opera na Walang Hanggang Paalam and then, I said ‘yes.’

“Nung nag-yes ako, rito kami sa Subic nag-shoot. Kaya ko nakilala si Gregg,” she said. Sa pagtatapos ng kanyang vlog, sinabi ni Ange­lica na sobrang excited na raw siya sa paglabas ng kanyang baby girl.

“Malapit na malapit na. Ilang linggo na lang ang binibilang at ganap na akong ina,” aniya. Hindi raw niya alam kung makikita pa raw natin sila once na nakapanganak na siya dahil siyempre ay magiging busy sila sa baby.

“Baka lang magpahinga kami. Siyempre kasi, magiging busy kami at magiging iba na talaga ang mga priorities namin,” saad ng aktres.

Kaya ngayon pa lang ay nagpasalamat na siya sa lahat ng subcribers niya sa YT at sa lahat ng tumangkilik sa kanya sa mundo ng vlogging.

JULIA MONTES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with