^

Pang Movies

Manay Lolit, maraming sponsor sa kidney transplant!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Manay Lolit, maraming sponsor sa kidney transplant!
Mayor Enrico

Patuloy na bumubuhos ng tulong ng mga kaibigan kay Manay Lolit Solis nang malamang na nagda-dialysis siya.

Ayon kay Manay, na maghahanap daw ng kidney donor si Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan, para maayos ang kanyang kidney transplant.

At nang malaman ito ng kaibigang niyang ­negosyante na si Alice Eduardo, nagsabi itong siya ang bahala sa operasyon.

Umiiyak si Manay dahil sa tulong ng mga kaibigang tinawag niyang ‘Rich Asuncion!’

Of course, nandiyan pa si Senator Bong Revilla, Jr. na talaga namang non-stop ang tulong kay ­Manay para maging maayos ang kanyang kalagayan!

Magpalakas ka, Manay Lolit! Marami ang nagmamahal sa ‘yo! 

Marian, hinarana ng mga anak

Mission to Venus watch ang birthday gift kay Marian Rivera ng mga anak na sina Zia at Sixto.

Pero ang lalong naging espesyal ang kaarawan ni Yan nang kantahan siya ng mga anak.

Kinanta ni Zia ang Kahit Maputi na ang Buhok Ko na pinalakpakan nang husto ng mga guest at lalong nagpasaya kay Marian.

Can’t Help Falling In Love With You naman ng kinanta ni Ziggy kaya ‘yung mata ni Yan eh talaga namang kitang-kita ang pagmamalaki sa mga anak.

Pero lingid sa kaalaman ng mga guest, ay ang halaga ng suot na floral outfit ni Yan at accessories na gamit niya nu’ng gabing ‘yon.

Isang magazine ang nagdetalye ng suot at gamit ni Yan nung gabing ‘yon at talaga namang nakakalula ang milyones na kabuuang halaga ng damit at gamit niya.

Deserving naman ni Yan ang anumang suot at gamit sa kaarawan niya lalo na’t todo ang sipag sa trabaho at lahat ng ginagawang endorsements!

Pero never ipinagmalaki ito ni Yan sa kanyang social media account, huh!

LOLIT SOLIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with