^

Pang Movies

Anne, gagawa na ulit ng pelikula

Gorgy Rula - Pang-masa
Anne, gagawa na ulit ng pelikula
Anne

MANILA, Philippines — Unti-unti nang sinasanay ni Anne Curtis ang anak nila ni Erwan Heusaff na si Dahlia na maiiwan ito sa bahay dahil magiging abala na siya sa trabaho.

Nakasanayan na kasi ng anak nilang magkakasama sila sa loob ng bahay dahil lumaki ito sa panahon ng pandemya.

Ngayon ay unti-unti nang nasasanay ang bagets na hindi niya kasama ang Mommy at Daddy niya dahil nasa trabaho na ito.

Nag-It’s Showtime na si Anne, at si Erwan naman ay pumapasok na raw sa opisina.

Nakahanda na rin kasi si Anne na gumawa ng pelikula, kaya dapat makapag-adjust na raw ang kanyang anak.

“If the script that would interest me, definitely yes,” pakli ni Anne sa nakaraang grand launch ng Prime video na ginanap sa Rockwell, Makati.

“The reason why I waited this long is because now, meron na siyang mga classes. That’s why nakakapag-Showtime ako during her class. So, may social life na rin siya.

“So, I think…that’s why I’m slowly preparing her. Like her Papa goes to the office now. Unlike before, work from home, ‘di ba? So, ayun may konting normalcy na bumabalik,” dagdag niyang pahayag.

Sinasanay naman daw nila si Dahlia na maging independent kahit gustung-gusto nitong lagi niyang kasama ang kanyang magulang.

Ang nakakatawa, ang buong akala raw ni Dahlia ay singer talaga ang Mommy niya.

“’Yung singer alam n’ya. Feeling niya kasing-ganda ko ‘yung boses ni Elsa,” natatawang kuwento ni Anne.

Sabi pa ng actress/TV host at singer na rin, posibleng gagawa rin daw siya ng pelikula para sa Prime video.

Magiging open daw ang Amazon sa local films natin na ipalalabas sa natu­rang streaming app.             

Yasser, noon pa gustong maghubad

Lalong gumanda ngayon ang katawan ng Kapuso hunk na si Yasser Mata.

Paano ba naman sa pilot episode pa lang ng bagong drama series ng GMA 7 na What We Could Be ay may pa-abs na ito.

Aliw ang eksenang ito kasama si Ysabel Ortega na magaling sa bagong seryeng ito.

Sa totoo lang, walang inhibitions si Yasser sa paghuhubad, at siya nga dapat ang magbida noon sa Lockdown na kung saan nag-frontal nudity doon si Paolo Gumabao.

Gusto sanang gawin ‘yun ni Yasser, dahil gusto niyang madirek siya ni Joel Lamangan, at wala siyang keber sa paghuhubad.

Pero hindi lang pumayag ang GMA 7 dahil ginagawa pa niya noon ang Bilangin ang Bituin sa Langit.

“Kasi that time, ginagawa din namin ‘yung Bilangin e. Ang image parang ang layo. Tapos ang partner ko pa si Kyline (Alcantara). Parang hindi maganda ‘yung outcome e. Masyado pang maaga nung panahong ‘yun.

“Pero ngayon tingnan natin. Baka puwede na,” napapangiti niyang pahayag.

Open naman si Yasser sa posibilidad na gumawa ng isang daring film, at mapapahubad siya, basta maganda lang daw ang project at posibleng ilaban sa international film festivals.

Sa Aug. 29 na pala mapapanood itong What We Could Be nina Yasser, Ysabel at Miguel Tanfelix.

Pagkatapos ng Lolong ang timeslot nito. 

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with