^

Pang Movies

Gretchen Fullido, na-bash sa pagsama sa ex-hubby ni Maggie at bagong GF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gretchen Fullido, na-bash sa pagsama sa ex-hubby ni Maggie at bagong GF

Hindi si Gretchen Fullido ang tinukoy ni Maggie Wilson na girlfriend daw ni Victor Consunji, pero kasama si Gretchen sa naba-bash ngayon dahil sa lumabas na photo nina Victor at diumano’y GF nitong si Rachel Carrasco with their friends and that includes Gretchen.

Kaya may hate comments sa Instagram ni Gretchen gaya ng nakikisali siya sa isyu.

Merong galit na nag-comment ng, “Gretchen ito na yung clout na hinihintay mo. Pa post ka pa ng wine glass to imitate Maggie. Teh dumi ka lang sa kuko” at “No wonder nasa talampakan lang kayo lahat ng Maggie Wilson.”

Tila sa Amanpulo pumunta sina Victor at Rachel at mga kaibigan na kasama nga si Gretchen dahil sa comment ng isa pang netizen na sa Amanpulo nanlibre si Victor.

May nag-dare rin kay Gretchen na ibalita niya sa TV Patrol ang tungkol kina Victor at Rachel kung talagang matapang siya. Maganda raw kung manggagaling sa kanya dahil firsthand information.

Naka-set sa “Comments on this post have been limited” ang comment box ng IG ni Gretchen, magtataka kung bakit napasok ng mga Marites. ‘Kaloka!

KC, nahusgahan sa kawalan ng ‘holy images’ sa bahay

Grabe ang netizens na pati ang kawalan daw ng Holy images sa bahay ni KC Concepcion  sa West Hollywood, California, pinuna. Pinost kasi ni KC ang bookshelf sa kanyang bahay at may nag-comment ng “No holy images... even a small one. You can tell the owner is really just world bound. Sad.”

May fans ni KC na nag-react sa post at tama naman ang sinabi nitong “ang Diyos ay hindi tinitingnan ang panlabas na anyo ng isang tao, ang laman ng puso ng bawat isa ang tinitingnan ni Jesus.”

May mga nag-agree sa comment na ‘yun at malay ba raw nating lahat kung nasa ibang parte ng bahay ni KC ang Holy images na hinahanap ng isang netizen. Bookshelf lang ang flinex ni KC dahil maganda na, maganda pa ang laman at maganda ang pagkaka-arrange, ayun, nahusgahan na agad siya.

Samantala, masayang ibinalita ng production team ng pelikulang Asian Persuasion na isa si KC sa mga bida at isa sa nanawagan ng donation na 133 percent ang movie mula sa mga nag-extend ng tulong. Umabot daw sa $66, 730 ang donation at sapat para sa post production ng film na due for release next year.

Huling ulan…, nominado sa Love and Hope International Filmfest

Congratulations kina Ken Chan, Rita Daniela, kay Director Louie Ignacio at sa pelikulang Huling Ulan sa Tag-Araw. Nakakuha ng three nominations ang movie sa Love and Hope International Film Festival sa Barcelona, Spain.

Nominated ang movie sa Best Feature Film category, nominated naman sina Ken at Rita sa Best Actor at Best Actress category respectively. Sa Sept. 6-10 daw gaganapin ang awards night at kung may dadalo man, baka si Direk Louie na lang at ang producer ng movie na Heaven’s Best Entertainment na si Harlene Bautista.

Maganda rin kung makakadalo si Ken para kung manalo siya, personal niyang matatanggap ang trophy. Siya na rin ang tumanggap ng trophy ni Rita kapag ang former loveteam ang nanalo.

Kailangan palang hanapan ng GMA 7 si Ken ng bagong ka-loveteam dahil hindi na puwede si Rita at buntis at manganganak na nga. May chemistry naman si Ken kahit kanino ipareha, hindi siya mahirap hanapan ng ka-love team.

vuukle comment

GRETCHEN FULLIDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with